GM sa Arnis

 


GM, Datu, Dayang, Lakan at iba pa

             Noong 90s nang nagboom ang popularity ng arnis sa abroad, dumami ang tinatawag na GM o Grandmaster, hanggang ngayon mga mga self proclaimed na GM, mayroon pa nga noon na dineklara nya ang sarili nya bilang “youngest Grand Master” sa edad na higit 20 anyos lang. May mga title din tulad ng Tuhon, Grand Tuhon, Guro, Guru, at Mataw Guru.


May tropa ako na taga BARMM (Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao), ang nagtataka kung bakit mga mga dayuhang practitioners ng FMA na ang tawag sa kanila ay mga Datu, eh di naman daw ito kilala sa lugar nila bilang Datu.

Magandang pakinggan ang mga indigenous at masasabing pre-Hispanic titles ay nakakabit sa mga practitioners ng Filipino Martial Arts. Bakit nga ba raw nagkaroon ng mga ganitong titulo sa kanila? Ito ba ay culturally appropriate? Ang essay na ito ay isang paglilimi sa paksang ito.

 

Simula

              Early 70s ang nadidinig ko sa tawag sa nagtututo ng arnis o escrima o garrote ay “maestro” minsan nga ay ‘manong’ lang ang tawag. Sa Kamaynilaan ang mga nagtuturo  at may-ari ng mga martial arts dojos, na naguturo din ng anumang uri ng arnis ay tinatawag na ‘Master’ kasi nga sila ang head ng grupo at ng mga instructors niya.

Sa mga siyudad, kadalasan ang mga master ng arnis ay nagtuturo din ng ibang martial arts gaya ng karate at judo. Hindi sila mga ‘purists’ o sarado sa iisang martial art lamang. Ang katawagang ‘sensei’ ay mas ginagamit sa mga grupo na may lineage talaga sa Japan gaya ng sa JKA (Japan Karate Association), at PAJA (Philippine Amateur Judo Association) noon.


Sa mga kalagitnaan ng 80s, ayan na si master ay tinatawag ng Grandmaster, dahil dumadami na ang kanyang instructors at ang mga foreign students. Hanggang sa naging kalakaran na na ang tawag sa mga head ng arnis groups ay Grandmaster o GM. Dumating din ang trend na kailangan kang tawaging GM ng arnis para lapitan ka o puntahan ng mga foreign students, siempre pera din yun.

Pero may mga questions sa pagiging legitimate ng title, sino ba dapat ang magbibigay nito, at ano ang mga requirements or credentials. Kaya’t ang mga grupo ay nagtakda ng mga batayan.

 

Japanese Influence

              Sabi nga natin na karamihang GM ng arnis noon ay nagtuturo ng ibang martial arts, ang systems at structure ng foreign martial arts na ito ay nakainfluence sa mga grupo ng modernized arnis/escrima groups. Nagkaroon ng uniform, ng belt system, may regular belt-rank promotion na rin. Pero dahil nga lubhang malikhain at may pagkamakabayan, ang mga titulo na ito ay inilapat sa mga titulo ng pre-Hispanic at indigenous people gaya ng Lakan, Dayang, Lakambini, Datu at iba pa.


Sa akademiko at historical na sense ang mga sumusunod na titulo ay:

Datu – ang titulong ito ay nangangahulugang isang pinuno ng isang tribu, na kadalasang ginagamit sa mga Moro, Lumad, at ibang karatig bansa gaya ng sa Indonesia at Malaysia. Ruler at leader sa digmaan, pinuno ng tagapagtanggol ng community.


Lakan – ito ay nangangahulugan ng ng ‘nobleman’, maaaring leader o hindi; sang-ayon sa isang historian ito ay influence ng Hinduism sa Timog Silangan Asya. Ang ‘lakan’ ay mas tumutuon sa ‘spiritual’ na titulo.

 Lakambini – ito ang counterpart ng Lakan, in the sense, ay lady ruler o queen.

Dayang – ito ay mula sa salitang Indonesian na ‘Dayang-Dayang’ isang titulo na kahulugan ay ‘princess.’ Pero ang salitang ‘Dayang’ ay hindi maganda ang pakahulugan sa mga Tausug at mga Malay. Iba raw ang Dayang-Dayang sa Dayang.

 Ayon sa aking kaibigan na si Khair ang “Dayang-dayang in Tausug ay katumbas ng Puteri or Putri ng Malay. Ginagamit pang address ng mga Royal. Para syang Madam pero exclusively para sa mga Royal blood regardless kung sya ba ay Queen or Princess. On the otherhand, ginagamit din ang word na Dayang para sa mga maestra. Apuh Dayang, Bavuh Dayang, Kakah Dayang. Sa lalaki Ginagamit natin ang Tuan. Apuh Tuan, Apah Tuan, Kah Tuan...”

 

Titles in FMA

              Hindi naman lahat ng FMA group ay may ganitong ginagamit ng title o rank, ito ay specific lang sa mga modernized groups of FMA practitioners, at ito ang pakahulugan nila:

Datu – mga piniling instructors ng founder ng styles na magpromote ng system at style nila.

Lakan – ipinagpalit kaysa gamiting ang salitang ‘blackbelters’ ang salitang Lakan ang ginamit, instead na 1st Dan Black belt, ikaw ay tatawaging Lakan-Isa.

Lakambini – counterpart ng Lakan sa titulong ibinibigay sa blackbelters na babae.

Dayang – mga titulong ibinigay sa mga babaeng equivalent ay ‘blackbelters,’ o may organizational na katungkulan.

Hindi na natin isasama ang iba pang titulo gaya ng Tuhon at Matawguru, ito ay may ibang pakahulugan na maaaring sa ibang paksa banggitin.

 

Tama ba o Mali?

               May mga natutuwa at may kritiko sa paggamit ng mga titulo na ito, gaya ng “hindi naman mga indigenous, o Moro, o Hindu ang mga ito, bakit ginagamit ang mga titles na ito..” Mayroon din nagsasabi na culturally inappropriate ang paggamit ng mga titulo na ito sa FMA. Mayroon din nagsabi na,”teka di naman purely southeast Asian ang arnis ah, bakit ito ang gagamitin na title?”

May mga grupo ng FMA practitioners na kinukutwa ang paggamit nito, sabi ay “….marketing purpose para makakuha ng foreign students dahil ginawang ‘ancient looking’…”

Mayroon din na matagal ng practitioner na mas katanggap tanggap sa kanya na tawaging ‘manong’ or ‘maestro,’ pero dahil ginawaran ng NSA (national sports association) ng arnis ay tinatawag na rin siyang GM, pero sabi nya di siya comfortable dito at mas maigi pang tawaging “Mang Pitoy” o “Maestro Pitoy”.

Mahalaga ay justifiable naman ang paggamit ng mga titulo, kahit di ito sang-ayon culturally o historically, huwag lamang mali ang paggamit, yung bang halimbawa ay tatawagin mo ang iyong sarili sa FMA na sultan, babaylan, mumbaki, o mengor, maliban lang kung politically, socially at spiritually ito nga ang iyong gampanin.

Mahirap manghusga, may katamaan naman ang dalawang panig; kaysa gamitin mo ang sensei, renshi, Shihan, ay mas mainam na ginamit nila ang mga titulong nabanggit. Maaaring nakakatulong din sa pagkakaroon ng sense of historical root ang martial art na nadevelop sa panahon ng colonialism ng Spanish. Pero parang magsagwang pakinggan, isang martial art na nabuo sa influences ng colonial master na ginagamitan ng ‘pre-Hispanic’ at indigenous titles na culturally at historically inappropriate.

Pero ganun yata talaga, kapag naghahanap ka ng identity ay gusto mong mahiwalay sa totoong nakalipas mo, kailangan mo mag-imbento o gumamit ng out of the box na mga concept at titles. Ganun pa rin sa huli, kanya-kanyang trip ito pare, walang basagan. Sa English ay “mind your own business.”

 

 

Joel Anajao

02/24/2024

Sta. Cruz, Manila

 

 

References:

 

Anajao, J. et.al. (2022). Basic of Arnis de Mano, A Guide for PE Students and

Teachers, Atbp Publishing Co. Mandaluyong City, Philippines

 

Presas, R. A. (1974). Modern Arnis: Philippine Martial Arts. Manila: Modern

 Arnis

 

Presas, R. A. (1994). The Practical Art of Eskrima (2nd Edition).Quezon City,

Philippines: National Book Store, Inc.

 

You Tube (n.d.). What is a Datu, a Rajah, a Lakan? (Philippine Royalty), Kirby Araullo Channel,

              https://youtu.be/_Fwl-re0LYY  

 


Comments

Popular posts from this blog

Duelo and Filipino Martial Arts

Philippine Mountaineering of 80s and 90s

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo