Arnis and Sakuting
Sakuting and Arnis Sa isang student teacher’s demonstration ang naging paksa ay hinggil sa ‘folk dances,’ sa particular ay paksa ay hinggil sa ‘sakuting’. Ito ay isang ‘folk dance’ sa norte, sa lalawigan ng Ilokos at Abra. Ang nakakapansin na katangian nito ay ang mga mananayaw ay may hawak ng dalawang sticks na kanilang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas nito. May nagsasabi na ito ay ‘inspired’ ng arnis, isang sayaw daw na kung saan itinago ang mga techniques ng arnis sa mga mata ng mananakop. Inspired, ibig sabihin ay ito ay nagmula o nabuo mula sa karunungan ng arnis. Kaya’t minsan ay may nagsayaw nito na imbes na purong mga steps ng ‘sakuting’ ay dinagdagan ng mga ilang galaw ng arnis gaya ng ‘sinawali.’ Ang ganito ay maaaring masabing tunay nga na ang arnis ay sinaunang martial art ng mga sinaunang Filipino, na ito’y pagpapatunay na ang mga karunungan ng arnis ay itinago sa pamamagitan ng sayaw. Ngunit maaari din na ibang anggulo naman ang pangyayari...