Arnis and Sakuting
Sakuting and
Arnis
Sa
isang student teacher’s demonstration
ang naging paksa ay hinggil sa ‘folk dances,’ sa particular ay paksa ay
hinggil sa ‘sakuting’. Ito ay isang ‘folk dance’ sa norte, sa lalawigan ng
Ilokos at Abra. Ang nakakapansin na katangian nito ay ang mga mananayaw ay may
hawak ng dalawang sticks na kanilang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas
nito.
May nagsasabi
na ito ay ‘inspired’ ng arnis, isang sayaw daw na kung saan itinago ang mga
techniques ng arnis sa mga mata ng mananakop. Inspired, ibig sabihin ay ito ay
nagmula o nabuo mula sa karunungan ng arnis. Kaya’t minsan ay may nagsayaw nito
na imbes na purong mga steps ng ‘sakuting’ ay dinagdagan ng mga ilang galaw ng
arnis gaya ng ‘sinawali.’
Ang ganito ay maaaring masabing tunay nga na ang arnis ay sinaunang martial art ng mga sinaunang Filipino, na ito’y pagpapatunay na ang mga karunungan ng arnis ay itinago sa pamamagitan ng sayaw. Ngunit maaari din na ibang anggulo naman ang pangyayari. Halina’t talakayin ng maikli ang mga usaping ito.
Ano ang folk dances?
Ang folk dances ay tumutukoy sa
mga uri ng sayaw na nabuo sa isang lugar upang ipagdiwang ang mga paniniwala,
pangyayari, paghahanda, tagumpay, at iba pa na mahalaga sa naging buhay ng
komunidad. Ang Pilipinas bilang isang kapuluan na binubuo ng iba’t ibang
etniko-linguistikong pamayanan ay natural na magkaroon ng napakaraming uri ng
folk dances.
Karamihan sa
mga folk dances ay ang mga sayaw na nabuo sa mga tagapatag na komunidad gaya ng
mga pamayanan sa Ilokos, Pampangga, Tagalog, at mga Kabisayaan. Ang mga folk
dances na ito ay karaniwang may malking impluwensya ng mga Kastila sa
pananamit, tugtog, at paniniwalang Katoliko.
May mga folk
dances din naman na napanatili ang tribal beliefs and culture gaya ng mga
pamayanan sa Cordillera, sa mga Aetas, sa mga Lumad sa highlands ng Mindanao,
at sa mga pamayanan ng mga Moro.
Ang folk
dances ay manipestasyon ng mayamang cultural diversities ng bansa. Ang mga ito
ay nagsisilbi rin na tourist attraction na malaki ang naitutulong sa mga
pamayanan.
Ano ang
sakuting?
Ang
sakuting ay isang folk dance sa Abra, isang lalawigan sa norte ng bansa; ang
mga tao dito ay mga Ilokano at Tingguian, o halo nila. Ang salitang ‘sakuting’
ay ibig sabihin ay ang tunog na nagagawa ng paghampas ng dalawang patpat
kaalinsabay ang mga padyak ng mga paa.
Sang-ayon sa dance researcher nito na si Francesca Reyes – Aquino (1899-1983), ang sakuting ay isang sayaw na mga lalaki ang nagsasagawa, na ipinapakita ang batalla o labanan ng mga Christianized na Ilokano at Tingguian laban sa mga Ygolod o Ygorot (high landers). Itinatanghal ito sa tuwing pagdiriwang ng Christmas sa Abra, ito ay karaniwang ginagawang isang uri ng Christmas carolling kung saan ang mga nagsasayaw ay nagsasagawa ng house-to-house carolling.
Sa
kasalukuyan ito ay isinasayaw ng grupo ng magkapares na lalaki at babae. Ang
original na haba ng sticks ay 1 ½ foot, ngunit sa kasalukuyan ay mas mahaba,
ang karaniwang sticks ay mula sa strips ng kawayan. Ang saliw na tugtog nito ay halata ang inpluwensya
ng Tsina at Kastila. Ang mga hakbang at galaw ng sayaw na ito ay simple at
ilang beses na isinasagawa upang mabuo ang sayaw na ‘sakuting.’
Arnis sa
Sakuting?
Kamakailan sa mga lumalabas na mga
lathalain hinggil sa ‘sakuting’ ay laging nababanggit na ang sayaw na ito ay
may karunungan ng arnis. Ang arnis ay ilan lamang sa mga katawagan ng
katutubong martial art na tipikal na gumagamit ng sticks o pamalo, lumalabas na
ang karunungan na ito ay nagmula sa mga kasanayan ng mga Filipino na may halong
kasanayan ng Kastila sa pakikipagpalaban gamit ang espada. Ito ay itinalagang
national martial art and sport ng bansa sang-ayon sa RA 9850.
Bago ito
maitalagang pambansang sining at laro ay may iba’t ibang katangian ito ayon sa
pinanggaling lalawigan. At sa pagsusumikap ng ilang mapagmahal sa martial art
na ito ay kinilala ito at nagkaroon ng pambansang katangian, isang martial art
na original na Pinoy at kadalasang gumagamit ng mga pamalo.
Ang mga
sumusunod ay ilang kritikal na katanungan kung may arnis ba sa sayaw na sakuting.
Ito ba ay patunay na ang arnis na sinasabi ng iba na ang sinaunang tawag ay ‘kali’ (sic) ay
pinagbawal dahil sa pagiging ‘deadly’ nito laban sa mananakop, at itinatago sa
sayaw upang mapanatili at maitago sa mata ng mga mananakop.
Labanan ng
mga Nasakop at mga Hindi Nasakop ?
Sang-ayon sa sinabi ng nagsaliksik
hinggil sa history ng ‘sakuting’ ito ay representasyon ng paglalabanan ng mga
Christianized o mga nasakop na natives laban sa mga taga-bundok na hindi
nagpasakop sa mga dayuhan.
Kagaya ng sa
kaso sa Bisayas, na ang mga Christianized na Bisayas ay nagkaroon ng karunungan
sa arnis/eskrima laban sa mga mangangatang na mga Moro sa timog. Natalakay sa
una na ang ‘folk dance’; ay representasyon din ng mga mahahalagang pangyayari
sa mga bayan na pinagmulan nito. Tunay nga na malaking bahagi ng kasaysayan ng
mga Christianized o mga nasakop na katutubo (Filipino) sa norte ay puno ng
mahabang struggle laban sa paglusob ng mga Ygorot, bukod sa paggatong ng mga
mananakop na magkaroon ng tanim na galit ang mga Christianized laban sa mga
‘barbarian’ na mga taga-bundok.
Ang
‘sakuting’ ay isa lang sa mga Philippine folk dances na nagpapakita ng batalla
ng mga Pilipino laban sa Pilipino.
Mas umaayon
ang lohika na ang mga nasakop na mga Pinoy ay tunay na nagkaroon ng bagong
karunungan sa pakikipaglaban gamit ang katutubo at dayuhang skills
(arnis/eskrima) sa pakikipaglaban sa mga katutubong hindi nasakop.
Katulad ng
pagkakaroon ng Comedia o Moro-Moro na ginamit ng mga Kastila upang
indoktrinahan ang mga nagpasakop na magkaroon ng galit sa mga hindi nagpasakop;
ang ‘sakuting’ ay isang representasyon ng batalla laban sa mga taga-norte na
hindi nagpasakop.
Stick bilang
representasyon ng Sandata ?
Ang ‘sakuting’ ay nagpapakita ng
labanan, ngunit mas ginamit ang mga stick upang ipakita ang mga sandata gaya ng
espada at anumang metal na sandata na ginamit sa mga labanan sa pagitan ng
taga-patag at taga-bundok.
May galaw na
parang nagpapakita ng ‘saludo;’ may mga galaw na nagtatagpo/naguumpugan ang mga
pamalo ng mananayaw upang ipakita ang paglalaban, mga mga pagpadyak ng malakas
at pagpalo sa sahig upang ipakita ng karahasan sa labanan, at mga pagpapalo
upang magkaroon ng ritmo ang sayaw.
Ang unang mga
ginamit sa mga dating ‘sakuting’ ay patpat at may haba lamang na 1 ½ feet, na
iba na sa kasalukuyan na bilag na yantok at mahaba na.
Bakit dalawang sticks?
Ang
paggamit ng dalawang patpat o sticks ay upang ipakita ang labanan sang-ayon sa
researcher ng sayaw na ito, ngunit ang tanong ay kung bakit dalawa ang hawak ng
mga mananayaw. Ito ba ay pagpapakita na ang mga nakipaglaban noon ay gumamit ng
dalawang sandata katulad ng dalawang espada o bolo? O dahil ang dalawang patpat
o sticks ay siyang magbibigay ng ritmo sa pamamagitan ng pagpapalo sa mga ito?
Mukhang mahirap kung isang patpat lang dahilan sa ang magiging kalikasan ng
sayaw ay maiiba, kinakailangan laging magpapaluan ng sticks ang bawat isa upang
magkaroon ng tugtog.
May arnis ba sa
lugar na pinagmulang lalawigan ng sakuting?
Kung sinasasabi na inspired ng
arnis ang pagkakabuo ng sakuting, bakit mukhang walang kongkretong galaw ng
sangga at pagpalo sa sayaw na sakuting, ang makikita lang ay ang maritmong
pagpapalo sa mga patpat o sticks upang magkaroon ng tugtog kaalinsabay ng mga
step ng sayaw. At mga ilang galaw na kahit paano ay magpapakita ng labanan.
Kung ang ‘sakuting’
ay isang folk dance na nagmula sa lalawigan mismo ng Abra, bakit walang
specific na uri ng arnis na original sa Abra? Kung mayroon mang uri ng Filipino
Martial Art sa norte o Ilokos ay ang uri na tinatawag na Cinco Teros, ngunit sa
Abra mismo ay wala.
Panghuli
Ang mga folk dances ay uri ng mga
sayaw na nabuo sa bawat lugar na pinagmulan nito, at ang mga folk dances ay
nagpapakita ng mga pangyayaring mahalaga sa buhay ng lugar na yaon tulad masaganang
pag-aani ng produktong agricultural, pagpupugay sa isang tao o santo,
paggugunita ng mga tagumpay gaya ng sa labanan, at iba pa.
May mga folk
dances na nagpapatika ng tagumpay sa labanan, at isa rito ang ‘sakuting.’ Ang sayaw na ito ay ginagamitan ng dalawang
patpat na pinapalo sa bawat isa upang magkaroon ng tugtog sa pagsasayaw, ito
rin ay nagrerepresenta ng paggamit ng sandata tulad ng espada.
Ang mga folk
dances ay dumaan na rin sa maraming interpretasyon, pagdadagdag, at pagbabago.
Maaring ang isang dance choreographer ay may maidagdag o maibawas sang-ayon sa
kanyang pagkaunawa, sang-ayon sa pangangailangan ng mga mananayaw at manonood. Kaya’t
sa mga darating na panahon ay maaaring mas kitang kita ang paghalo ng mga galaw
ng arnis sa sayaw ng sakuting. Ito ay maaring dulot ng paglaganap ng social
media influences at sa pagiging creative ng mga mananayaw at dance choreographers.
Ang
pagkakaroon ng usapin ng arnis sa sayaw ng sakuting ay kailan lamang, dahil sa
paglipana ng mga pagsasanay nito sa iba’t ibang bansa dulot ng batas na ito’y
itinakdang pambansang martial art at sport. Mahalaga ang mga karagdagang
research hinggil sa mga paksang ito.
Talasanggunian:
DepEd Tambayan
(n.d.). Physical Education 8, Quarter 4 Module 3, Dance with Me,
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/05/PE8-Q4-MOD3.pdf
Soriano, RH.
(n.d.). The History of Sakuting Philippine Folk Dance, e-How,
https://www.ehow.co.uk/about_6561278_history-sakuting-philippine-folk-dance.html
Reyes-Tolentino,
F. (1946). Philippine National Dances, Philippine National Library Archives
You Tube
(n.d.). #MoveWithPinas featuring the Sakuting of the Province of Abra.
https://youtu.be/uZi7T673Zxk
04/19/2024
Somewhere in Luzon
Sakuting was introduce during Spanish colonization as a depiction of battle between Christian and non-christian natives.
ReplyDeleteAng sakuting ay isang Philippine folk dance originating from Abra province that depicts a mock fight between Ilocano Christians and non-Christians during Spanish colonial rule. And as far as i know, Sakuting is a like a Binislakan who’s influenced by chinese.
ReplyDeleteBPED 2-1 ( 202304897 )
BPED 2-1 | 202303008
ReplyDeleteAng arnis ay magandang kasanayan uoang protektahan natin ang ating mga sarili, at sakuting naman ay ang sayaw na nagpapakita ng iba't ibang technique sa paggamit ng arnis. Magandang pagsamahin ang dalawa lalo sa mga may khiligan sa pagsayaw na ninanais na matutunan ang Arnis, dahil ditoo sa pagsasayaw nato maari mong gawin ang mgaaa position o technique naa ginagamit sa pag aarnis
BPED 2-1 ( 202405667)
ReplyDeleteNapagtanto ko sa aking pagbabasa ang kahalagahan ng sa mga bagay-bagay tulad na lamang sa pagsasaliksik sa sakuting na mayroong kaugnayan sa arnis. Hindi maikakaila na sa pamamagitan ng pag research/pagsasaliksik at pagbabasa ay may bagay tayong malalaman at matututunan, sa article na ito kung saan ang isang folk dance sa Abra ang “sakuting” na sinasayaw ng grupo na magkakapares na gumagawa ng tunog sa paghampas ng dalawang patpat at pag-padyak ng mga paa ay may kaugnayan sa sports na arnis. Ang patpat na nagrerepresenta bilang sandata tulad na lamang sa arnis, patunay lamang sa pamamagitan ng pagsayaw ng sakuting ay makikita ang paghalo ng mga galaw sa arnis. Sa mga ganitong bagay tayong mga studyante ay may magagawa, pwede nating gamitin ang mga galaw sa arnis sa pag-gawa/pag-buo ng isang sayaw.
BPED 2-1 | 202303818
ReplyDeletePara saakin ang sakuting at arnis ay nag papakita ng kahalagahan ng arnis na isinasagawa habang nag sasayaw. Para sa’kin, ang mga pag palo ng patpat na mayroong tunog ay nag hahalimbawa ng labanan. Ang sakuting ay isang uri ng katutubong sayaw na nag papakita ng mahahalagang pangyayari at masaganang pag aani. Ang sakuting at arnid ay nag bibigay ng aral dahil ito ay ginagawa ng may tunog at ng may tamang galaw.
BPED 2-1 ( 202304897 )
ReplyDeleteNagkaroon ng bagong kaalaman patungkol sa sakuting at arnis.
ReplyDeleteKung ako man ay tatanungin kung ano ang natutuhan ko sa babasahing ito na naisabuhay ko, siguro ang folk dance na meron sa pilipinas ay may kaniya kaniyang mesahe. Bawat simpleng galaw at tunog sa pagsasayaw nila ay may kaakibat na simbolo gaya nalang ng sakuting na kung saan ay nagpapakita ng malalim na kakayahan ng mga Pilipino na gamitin ang sining bilang paraan ng pagpreserba ng kanilang identidad, kahit sa harap ng mga hamon tulad ng kolonyalismo.
ReplyDeleteAng paggamit ng mga tradisyonal na armas, tulad ng patpat, ay nagpapaalala ng ating kakayahang lumaban at magpanatili ng ating kalayaan. Nakikita ko rin na, sa kabila ng modernisasyon, ang ganitong mga tradisyon ay mahalagang pahalagahan at itaguyod dahil nagbibigay ito ng koneksyon sa ating mga ugat at nagpapalalim ng ating pagka-Pilipino.
Habang lumilipas ang panahon, masasabi kong ang sakuting ay patuloy na magkakaroon ng pagbabago bilang parte ng mordernisasyon kung kaya't hindi dapat katakutan ang mga pagbabago, kundi yakapin ito bilang paraan ng pagpapayaman sa ating kultura, nang hindi nakakalimutan ang pinagmulan. Sa ganitong paraan, ang sakuting ay hindi lamang sayaw ng nakaraan, kundi isang buhay na bahagi ng ating kasalukuyan at kinabukasan.
BPED 2-1 | 202301442
ReplyDeleteAyon sa pansariling karanasan, ang sakuting ay isang buhay at makulay na uri ng sayaw na siyang nagpapakita ng kakaibang estilo ng ating folk dance. Hindi rin maikukubli na ito ay maaaring hinaluan o naimpluwensyahan ng konseptong arnis, ngunit masasabi kong maganda ang kombinsayon ng nabanggit na mga konteksto na siyang ikinakulay ng sayaw.
BPED 2-1 (202304014)
ReplyDeleteAng sakuting ay isang sayaw mula sa hilagang Luzon na itinuturing na inspirasyon mula sa Arnis. Sa bawat galaw ng mga mananayaw, tila itinatago ang mga teknik ng pakikipaglaban, nagpapakita ng koneksyon sa martial art na ito. Ang pagdedemonstrasyon ng Arnis sa mga sayaw ay nagsisilbing patunay na ang ating kultura ay may mga nakatagong anyo ng depensa at sining. Sa ganitong paraan, naipapasa sa bagong henerasyon ang mga tradisyon ng ating mga ninuno, gamit ang malikhaing pagpapahayag ng galaw at disiplina sa katawan.
Naisalaysalay na ang arnis hindi lamang laro o sports kung hindi ay magagamit sa sining nang pag-sayaw o pag-enganyo ng mga Pilipino na kung saan ay mayroong partikular na lugar. Sa sining na ito'y makikitang ginagamitin rin ng dalawang stick na nag-sisimbolo na ating sandata. Hindi lamang sa pag-sayaw kung hindi rin ay maipapakita rito ang mga galaw ng arnis.
ReplyDeleteNaisaad na ang arnis na isang sports ay nagagamit rin sa sakuting na kung saan ginagawa sa partikular na lugar sa Pilipinas. Ginagamitan rin ito ng dalawang stick na kung saan ay ang sakuting ay may galaw na pag-sayaw ngunit ito'y rin ay naipapakita rin ang mga galaw ng orihinal na galaw ng arnis.
ReplyDeleteNaipapakita rito na ang arnis ay nagaagmit sa sakuting na ipapakita ang pagsayaw.
ReplyDeletenaipapakita ang arnis ay ginagamit sa sakuting
ReplyDelete....
ReplyDeletenaipapakita na ang arnis ay nagagamit sa sakuting na isang uri ng sining
ReplyDeleteIsang kapana-panabik na timpla ng mga sining panglaban sa Pilipinas, kilala sa natatanging paggamit ng "sakuting" na patpat. Mahusay na paraan upang mapabuti ang fitness, koordinasyon, at mga kasanayan sa pagtatanggol sa sarili.
ReplyDeleteBSHM 2-5 (202301920)
ReplyDeleteAng Sakuting ay isang mapang-akit na sayaw na nagmula sa Abra sa hilagang Luzon, na kumukuha ng inspirasyon mula sa martial art ng Arnis. Bilang isa sa mga itinatangi na katutubong sayaw ng Pilipinas, ang Sakuting ay naglalaman ng masiglang pakikibaka ng mga Pilipino sa buong kasaysayan. Tradisyonal na ginaganap sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko sa Abra, ang sayaw na ito ay nagiging kakaibang anyo ng pag-awit, habang ang mga mananayaw ay nagpupunta sa bahay-bahay, na binibighani ang komunidad sa kanilang masiglang pagtatanghal. Sa bawat paggalaw, eleganteng isinasama ng mga mananayaw ang mga banayad na pamamaraan ng pakikipaglaban, na nagpapatingkad sa malalim na koneksyon sa pagitan ng Sakuting at Arnis. Ito ay hindi lamang nagpapakita ng ating mayamang pamana sa kultura ngunit naglalarawan din ng mga likas na paraan na ating nilinang upang ipagtanggol ang ating sarili, na pinagsasama ang kasiningan sa katatagan.
BSHM 2-5 CMG
ReplyDeleteAng sakuting ay isang uri ng sining pangmartial na nagmula sa rehiyon ng pangasinan sa pinas. ito ay isang sayaw na nagpapakita ng galaw at pattern na may kaugnay sa paglalaban at pagdepensa sa sarili.ang sakuting daw ay sumasagisag sa mga halagang pilipino katulad ng pag disiplina at pagrespeto.