Posts

Showing posts from May, 2024

One Hit one Kill or To Hit and Not to be Hit

Image
  One-Hit One Kill or To Hit and Not to be Hit               Ang karamihang martial arts na naging sports ay kadahilanan ng pagsasapubliko nito. Bagama’t ang pangunhing layunin ng karamihang martial arts ay self-defense, maliban sa health and fitness; ang pagiging sports nito ay mas makakakuha ng maraming practitioners at pagtangilik ng mga pribado at pampublikong institusyon. Nandiyan ang Olympic sports fencing na nagmula sa tinatawag na historical fencing, ang sports karatedo ay nanggaling sa traditional karate maging ito’y Japanese o Okinawan; ang Judo ay nagmula sa sinaunang Jujitsu ng mga Bushi (warrior) ng Japan, ang Olympic Wrestling na nagmula sa konsepto ng Greco-Roman Prankration, at marami pang ibang combative sports na nanggaling sa original na martial arts na ang pangunahing layunin ay paano magwagi sa labanan o maipagtanggol ang sarili. Ang sanaysay na ito ay isang paglilimi hinggil sa paano nga ba ang konsepto ng isang co...