One Hit one Kill or To Hit and Not to be Hit
One-Hit One Kill or To
Hit and Not to be Hit
Nandiyan ang Olympic sports fencing na nagmula sa tinatawag na historical fencing, ang sports karatedo ay nanggaling sa traditional karate maging ito’y Japanese o Okinawan; ang Judo ay nagmula sa sinaunang Jujitsu ng mga Bushi (warrior) ng Japan, ang Olympic Wrestling na nagmula sa konsepto ng Greco-Roman Prankration, at marami pang ibang combative sports na nanggaling sa original na martial arts na ang pangunahing layunin ay paano magwagi sa labanan o maipagtanggol ang sarili.
Arnis bilang Sports
Mula sa pakikidigma
Nangarap na maging Sports
Sa dekada ng 1960s at 1970s, ang martial arts mula sa Japan, Korea, at China ay nagsimulang mamayagpag sa bansa, napakaraming tumangkilik nito maging ang mga nagsasanay ng arnis/eskrima. Ang mga tao o mga samahan na nagsasanay ng arnis/eskrima ay nagsimulang iangkop ang mga sistema mula sa mga banyagang martial arts na ito, nadiyan na nagkaroon ng salutation (bow) , mga stances, mga ranks at belt, mga uniforme, at maging ang local na version ng kata ng karate na tinawag na Anyo.
Upang mapanatili at mas mapaunlad pa ang arnis bilang martial art na galing sa mga Filipino, ito ay sinimulang iintroduce sa Philippine Constabulary at sa mga Barangay Tanod. May mga instructors na nagsimulang ituro ito sa mga paaralan.
Nang ito ay tinangkilik na sa publiko at sa mga paaralan, ang pagiging sports ng arnis ay nagsimulang ipanganak. Nandiyan ang pagkakaroon ng sparring contest batay sa boxing, o kayay batay sa one-hit one kill na orientation sa karatedo. Ang mga protective gears ay sinimulang gamitin, may gumamit ng bogu ng kendo, ang iba naman ay nagimprovised mula sa available na mga materyales.
Hanggang
sa paggpasok ng huling bahagi dekada ng 1980s kung saan ang paggamit ng padded
sticks sa sparring tournament ay nagsimula. May dalawang pangkalahatang uri ng
sparring tournament, ito ay ang live stick sparring na gumagamit ng rattan at
ang manlalaro ay may makapal na protective gear; at isa naman ay ang sparring
tournament na gumagamit ng padded sticks at minimal na protective gears.
Bangungot at Frankenstein
Mula sa mga classical or traditional na arnis/eskrima, mga uri ng pagsasanay nito na nakatuon sa self-defense at pakikipagduelo, ang contemporary arnis/eskrima ay nabuo. Contemporary dahil ang mga makabagong paraan ng pagsasanay at pagtuturo ng arnis ay makikita. Dito rin ang mga ibang martial arts ay naisama, nandyan na ang pagsasanay ay may throwing, hand striking, rolling, at iba pa na galing sa mga ibang Asian martial arts gaya ng karate, judo, at Kungfu.
Ang mga samahan ng contemporary arnis/eskrima ay silang mga nanguna na ituro ito sa mga paaralan bilang physical education activity. May mga paaralan na itinuturo ang arnis bilang self defense at martial arts. Ang kakaibang pangyayari, dahil nga naging bahagi ang arnis ng mga intramurals at iba pang school sports meets, nagkaroon ng mga nagsasanay ng arnis na purong pang sports competition lamang.
May mga students na marunong sa competitive arnis maging ito ay labanan o anyo competition, ngunit di masasabing martial artists. Marunong ng puntusan sa arnis ngunit hindi alam ang martial arts ng arnis. Mas malala dito ay ang paglipana ng mga manlalaro sa non-traditional free form competition. Dito ang makikita ay mga manlalaro na maraming tricks, animalistic facial expressions, napakaraming acrobatics na walang kaugnayan sa martial arts ng arnis/eskrima.
Ang mismong salitang “traditional anyo” ay isang kontrobersya, sa tunay naman na kahulugan ay walang traditional anyo, dahil ang mga traditional na arnis ay walang anyo o anumang kata. Ang tinatawag na traditional anyo ay yaong mga anyo na bahagi ng mga sanasabing contemporary arnis/eskrima.
Ang “traditional anyo” ay bihira ang nagsasanay sa kadahilanan nga na mas marami ngayon ang tinawatag nilang arnisador sila dahil lamang sa sports arnis, maging ang mga nagsisilbing coaches ay hindi rin talaga masasabing tunay na martial artists dahil nga sila ay nahubog lamang sa isang mukha ng arnis, sa sports arnis.
Maraming students ang kilala nila sa sarili ay arnisador na magaling naman sa padded sparring na unahan lamang makapalo ang orientation, ngunit ang mga abecedario o basic ng martial art ng arnis/eskrima ay hindi alam, kung alam man ay masasabing ‘hilaw.’
Ito yun, nangarap tayong maging sports ang arnis, tulad ng nakikita natin sa Kendo sa Japan. Ayan na nga bahagi na ng sports ang arnis pero mukhang hindi ganito ang itsura ng pinangarap ng mga nagpasimula ng arnis sa mga paaralan.
Nagkaanak ang arnis ng sports arnis na hindi ito ang inaasahan. Ang kendo ay sports sa mga paaralan sa Japan, dahil mga martial artists ang mga teacher/coaches na nagtuturo. Sa arnis ay iba, dito sa atin nagsilang tayo ng sports arnis na kulang ang kahandaan at pundasyon ng nag-anak nito, kaya nagkaroon ng sariling katangian ang malaking bahagi ng nagsasanay ng sports arnis.
Kritikal sa One-Hit One Kill
Maaaring gamitin mo ang iyong physical advantage tulad ng reach or natural speed mo dahil sa inherited na mas marami ang iyong Type IIB na muscle fibers, o kaya ay mas conditioned ka, upang mas mauna sa kalaban. May mangilan ngilan na may pag-iwas o evasion o kaya ay nagbloblock ng attack at nakakapasok ang kanilang riposte or counter-attack.
Ngunit common ang katangian na magsasalunguban ng lunges or pagtalon sa isa’t isa upang magkatamaan. Sabi nga nga isang GM ng arnis, ay “parang robot, pagsinabing ‘laban’ ay kusa na lang mag-uunahan pumalo.” Mga taong 90s may isang matandang maestro ng traditional na arnis (na nakaranas ng duelo), ang kanyang comment sa nakita niyang sparring tournament ay “hindi arnis yan.”
May mga manlalaro din na nagsasabi na “daplis lang sa akin, ang palo ko solid, pero dahil nauna sya, sya ang nakascore…”, kapansin pansin din ang mga suicide attacks makauna lang. May mga nauna lang ng fraction of seconds na nakatama sa leg, pero may tama naman siya sa ulunan, siya pa rin ang makakascore. Ika nga ng isa pang observer, “di ba sa totoong paluan patay ang napalo sa ulo kaysa sa napalo sa hita?...”
Maaaring ito talaga ang kapupuntahan ng sparring kung ang orientation ay mauna mas may puntos. Dahil na sa orientation na “one-hit, one kill.”
Ang “one-hit, one kill” ay ginagamit sa kendo, ngunit may ilang salik na mahalaga kung paano malalaman ang hatol kung sino ang magkakapuntos. Sa kendo, ang attack dapat ay vigorous execution at may malakas na sigaw na KIAI upang ipakita ang intention to land an attack.
Ang one-hit, one-kill ay mula sa konsepto ng Japanese swordsmanship, lalu na sa estilo ng Itto-Ryu, na KI-KEN-TAI-NO-ICHI (Spirit, Sword and Body as one.) Isang pagpapakita ng intension na umatake na may intension na putulin ang kalaban. Malaking impluwensya din ang prinsipyo ng “ikken hissatsu” sa English ay “to annihilate with one blow” sa short cut ay “one-hit, one-kill.”
Ito ay mataas na prinsipyo sa Japanese swordsmanship, ito ay “ideal” ngunit sa katotohanan ang labanan ng bladed weapon ay iba, tao ang kalaban, hindi tatami straw na madaling putulin sa isang cut lamang. Ang kalaban ay nag-iisip, lumalaban, maaaring mauna sa direct attack, o makagawa ng counter-attack, maaari din na magfatal ang afterblow niya.
Hindi naman pagtinamaan mo patay na, yun bang parang sci-fi movie na pagtinamaan mo mawawala na kaagad. Hindi naman ganito sa totoong labanan. Kasama pa sa mga salik ng desisyon ay hindi lamang kung sino makauna, may aspeto rin ang lakas ng atake, anong bahagi ng weapon ang tumama, saan bahagi ng katawan tumama, ano ang mangyayari kung makapag afterblow ang kalaban ng mas fatal sa naunang umatake.
Hindi kendo ang arnis, hindi tayo Hapon, at lalong hindi ito ang paniniwala at karanasan ng mga naunang arnnisador na may karanasan sa “dirty duel.”
Ang isang alternative ay ang konsepto ng “to hit and not to be hit,” ang labanan ng bladed weapon ay yun bang dapat matamaan mo ang iyong kalaban na hindi ka niya natatamaan, kung saan magagamit mo ang lahat ng offensive at response tactics; gayundin ay kinikilala ang epekto ng afterblow, ito yun nauna kang tumama, pero nakatama din siya sa iyo, sino ang mas malakas, sino ang nakatama sa fatal areas ng katawan.
Ito ay hindi bagong konsepto, bagkus ay ito ang sinaunang konsepto sa melee o maramihang labanan, kung saan ang isang mandirigma ay hanggat maaari ay di kagad tatamaan upang makarami siya ng mapatumbang kalaban bago siya ang tumumba; ito rin ang konsepto ng mga sinaunang duelo.
Bakit “to hit and not to be hit.”
Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang mga sumusunod
ay ang mga dahilan kung bakit ito ay isang angkop na konsepto na maaaring ituro
sa mga players ng sports arnis:
1. Lalong magle-level up ang husay at pagdedesisyon ng manlalaro dahil hindi lang ang goal ang dapat unahin, kundi ang tusong pagpaplano kung paano makakuha ng mas mataas na score sa pamamagitan ng hindi pagtama ng kalaban, o kung paano niya gagamitin ang kanyang mga kalamangan upang makagawa ng mga pagkakamali ang kanyang kalaban o ilagay sa dehado ang kanyang kalaban.
2. Kung magiging mas mahusay ang manlalaro dahil sa konsepto ng "to hit and not to be hit" magiging mas maganda ang mga kilos ng player, at mas magiging interesante ito kaysa manood ng sparring ng “one hit, one kill” o mas kilalang "first to hit".
3. Ang magandang laban ay nakakaaliw na panoorin ng mga manonood, at kung ito ay magiging sikat, mas maraming tao ang mag-e-enjoy sa larong ito, at mas maraming tao ang susuporta dito.
Hamon
Malaki na at malayo na rin ang tinahak ng arnis, mula
sa pagiging sining ng pagtanggol sa sarili hanggang sa naging sports.
Tatlong national organization na ang kumatawan sa arnis, mula sa NARAPHIL, sumunod ang ARPHI, ngayon ay ang PEKAF. Marami na rin improvement sa officiating, sa protective gears, at promotion nito sa international sports meets.
Ang pagiging open-minded, critical, at reality-based ng konsepto na gagamitin sa sports arnis ay mahalaga. Ang malaking hadlang ay ang monopoly at pulitika nito. Mas maigi na isipin ang nakaraan at ano ang magiging kinabukasan, kung saan ang arnis maging ito ay sports arnis ay masasabing tunay na arnis, hindi isang halimaw na nabuo dahil sa kanya-kanyang interpretasyon kung ano ba ang arnis sa larangan ng sports.
Hahayaan ba natin na mawala ang tunay na katangian ng arnis/eskrima dahil lamang sa gusto nating maging popular sports ito. Maging kilala, pero pinagtatawanan.
Joel Anajao
05/11/2024
Maragondon,
Cavite
Sa
tabi ng Ilog
Sanggunian:
Anajao,
J. D. (2018). Arnis, Philippine National Martial Art and Sport, A Guide for
Teachers
and Students. Casa Duende Publishing, Quezon City, Philippines
Anajao,
J. D. & Ramos, A.B., (2004). An Introduction to Sports Arnis. Intramuros,
Manila
: Amateur Sports Arnis Pilipinas, Inc.
Godhania,
K. (2001). Combative vs. Competitive Eskrima. Arnis: Reflections on
the
History and Development of the Filipino Martial Arts. Boston: Tuttle
Publishing.
pp 145-148.
Jocano,
F. P. & Peneyra, R. U. (2021). Martial Arts of the Philippines: Promoting
Identities
and Negotiating Unity in Diversity, in Southeast Asian Martial Arts, A Unique
and Complex Cultural Phenomenon, International Centre of Martial Arts for Youth
Development and Engagement, UNESCO, Korea
Jocano,
F. P. Jr. (1997). A Question of Origin, RAPID Journal, vol. 2 no. 4, pp. 15-17,
1997
Nepangue,
E.R. & Machacor, C.C. (2007). Cebuano Eskrima: Beyond Myth, Xylibris
Corp.
Nepangue,
N. (Dr.) (2001). Questioning the Origins of Eskrima. Arnis: Reflections
on
the History Development of the Filipino Martial Arts. Boston: Tuttle
Publishing.
pp 9-14.
Presas,
R. A. (1994). The Practical Art of Eskrima (2nd Edition). Quezon City,
Philippines:
National Book Store, Inc.
Presas,
E. A. (1988). Arnis: Presas Style and Balisong. Quiapo, Philippines: Author.
Presas,
R. A. (1983). Modern Arnis: Filipino Art of Stick Fighting. Burbank, Calif.:
Ohara
Publications.
Presas,
R. A. (1974). Modern Arnis: Philippine Martial Arts. Manila: Modern Arni
Rollo,
A. (2022). New Insights into the History of Filipino Martial Arts, University
of
Alicante,
Spain
Wiley,
M. V. (1997). Filipino Martial Culture. Boston: Tuttle Publishing.
Wiley,
M.V. (1994). Classical Eskrima, The Evolution and Etymology of Filipino
Fencing
Form, Journal of Asian Martial Arts, vol. 3. No. 2, 1994, p. 72-89
Zablan,
R.M. (2022). Arnis, The History of the Filipino People, Rex Printing Co. Quezon
City
BPED 2-1 I 202300737
ReplyDeleteBPED 2-1 202404302
ReplyDeleteMatapos kong mabasa ang essay na patungkol sa “Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo“, aking napagtanto na hindi lamang sa salita tayo naimpluwensyahan ng mga kastila, kundi maging sa ating mga nakagawian ay malaking parte ang kanilang kultura. At kung pag uusapan naman ang tungkol sa larong Arnis De Mano, masasabi kong isa ito sa laro o ‘sports’ na dapat tangkilikin at aralin ng mga kabataang Pilipino, dahil tuturuan ka nito hindi lang kung paano maging mabilis, kundi kung paano mas maging matalino at madiskarte sa paggapi sa iyong kalaban. Sa pamamagitan din ng essay na ito aking nabatid kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng referee sa bawat laro. Aking mai-rerekomenda ang arnis de mano bilang isang magandang sports, dahil sa paglilinang ng larong ito ay maaari mo ring magamit ang kakayanang matutunan mo sa pagligtas sa iyong sa sarili kung kinakailangan.
BPED 2-1 | 202301442
ReplyDeleteAng sports na Arnis ay isang pagpapatunay sa kung paano binibigyang halaga ng mga pilipino ang ating kultura. Kung dati ay ginagamit ito sa karahasan, ngayon ay kinikilala ang ating bansa sa pamamagitan ng larong ito at siya pa ngang kinilala bilang ating pambansang laro.
Sa pag basa ko ng artikulong ito ay mas lumawak ang pananaw ko sa arnis.
ReplyDeleteBSHM 2-5 | 202301198
ReplyDeletePapuri at pasasalamat sa may-akda ng sanaysay na ito dahil sa pagiging impormatibo nito na malaking tulong sa aming mga nag-aaral ng Arnis, lalo na sa mga wala pang masyadong alam dito. Sa sanaysay na ito ay naging mas malinaw sa akin ang pinagmulan ng Arnis, ang mga pagbabago nito mula sa pagiging sandata sa digmaan, hanggang sa kalaunan ay kinilala bilang pambansang sport. Tunay na isang mahalagang malaking hakbang ang pagtuturo ng Arnis sa mga paaralan bilang PE activity dahil nakatulong ito para mas makilala ang Arnis, bagaman may ironya sa ideya ng Arnis bilang sport na iba sa orihinal na diwa nito. Sa kabila ng iba’t ibang pananaw, umaasa akong patuloy pang lalago at tatangkilikin ang Arnis, lalo na ng mga Pilipino.
BSHM 2-5 | 202301198
ReplyDeleteUna sa lahat, gusto kong bigyan ng papuri at pasasalamat ang may-akda ng sanaysay na ito. Bilang mambabasa, sa tingin ko, napaka-impormatibo nito kaya malaking tulong siya para sa aming mga estudyanteng nag-aaral ng Arnis, lalo na sa mga wala pang masyadong alam dito. Sa sanaysay na ito, naging mas malinaw sa akin ang pinagmulan ng Arnis at ang mga dahilan kung bakit ganito ang porma ng martial art na ito sa kasalukuyan. Marami ang naging impluwensya dito mula sa ibang bansa o kolonyalista, pati na rin ang mga iba’t ibang "yugto" na dinaanan nito—mula sa pagiging sandata sa digmaan, hanggang sa pagpapakilala nito sa Philippine Constabulary (na ngayon ay tinatawag na PNP) at barangay tanod, ang pagsali nito sa mga sparring contest, at sa kalaunan ay kinilala ng publiko bilang isang sport, na ngayon ay isa ng pambansang laro.
Isa sa mga gusto kong bigyang pansin ay kung paano itinuro ang Arnis sa mga estudyante bilang physical education activity sa tulong ng mga samahan ng contemporary arnis/eskrima. Talagang naging isang malaking hakbang ito para mas makilala ang Arnis. Ang nakakuha ng aking interes ay, ang pagkatuwa ko sa ironya na sinabi ng may akda na ang Arnis raw ngayon na kilala na bilang isang sport, ay parang natupad na pangarap ng mga tao noon, ngunit mukhang hindi ito ang wangis ng Arnis bilang sport na nasaisip ng mga unang nagturo nito sa mga paaralan noon. This thought goes all the way back to the part na nagustuhan ko ang "One Hit, One Kill, To Hit or Not to Be Hit" na binanggit sa simula ng sanaysay. Ipinapakita nito ang tunay na diwa ng Arnis—It is in accordance with the current system of padded sparring, Arnis, is the one hit, one kill. Bilang isang dati’y tingin ko lang sa Arnis ay self-defense at sports, nakaka-intriga ang punto ng mga taong mas malalim ang pag-unawa dito. As I read til the end, I can't deny that I kind of agree with the sentiments of people on how the Arnis they witness now is truly not the Arnis people before dreamed of as a sport.
Sa kabuuan, kahit may iba’t ibang pananaw ukol sa sport na ito, I still want to say that I hope na ang Arnis ay patuloy pang umunlad, mas makilala, mas tangkilikin at magamit ng mga tao, lalo na tayong mga Pilipino.
Ps. Just trying my original longer comment kasi ayaw ipublish po nung una, kaya yung isa is sobrang pinaikli ko po.
Ang artikulo na ito ay tungkol sa kasaysayan ng arnis at kung paano ito naging isang sport. Napansin ko na nang naging sport ang arnis, nagbago ang paraan ng paglalaro nito. Ang "one-hit, one-kill" na sistema na ginagamit sa ilang tournaments ay talagang nakakaengganyo dahil nagbibigay-diin ito sa bilis.
ReplyDeleteIpinapakita ng artikulo ang konsepto na "to hit and not to be hit," na mas akma sa tunay na layunin ng arnis. Binibigyang-diin nito ang pag-iwas, pagtatanggol, at pag-atake na may disiplina.
Para sa akin, mahalaga na mapanatili ang diwa ng arnis habang ginagawa itong sport. Dapat nating pahalagahan ang mga prinsipyo ng disiplina, pag-iingat, at pag-unawa sa mga aspeto ng laban. Sana, mas maraming tao ang mag-isip tungkol sa mga isyung ito at mas maipakilala ang arnis sa iba.
After I red this essay I learned the evolution of arnis, demonstrating the way in which this age-old martial art has entered the sports world. Through an in-depth study of the differences between the ideologies of "one-hit, one kill" and "to hit and not to be hit," the essay offers an in-depth understanding of the development of arnis practices.
ReplyDeleteFurthermore, it is important to address issues like the mechanized nature of sparring and the possible disengagement from the fundamental nature of arnis by certain professionals. By recognizing these relevant concerns, the essay presents an insightful perspective on the development of sports arnis and emphasizes the significance of upholding the discipline's fundamental principles in the face of contemporary changes.
The main objective of the essay is to expand people's understanding of arnis as a martial art based on self-defense ideas rather than just as a competitive sport. A comprehensive understanding of the development of arnis requires ongoing discussion of the fine balance between respecting tradition and embracing modern martial arts techniques.
it's interesting to read this blog and gain knowledge about this sports, it really helps us to understand that Arnis has influenced sports by teaching skills like speed, coordination, and focus. It helps athletes improve their reflexes and become more disciplined. Arnis also teaches respect and good sportsmanship, which are important in any sport. Because it’s both traditional and modern, Arnis has gained attention worldwide and helps people appreciate Filipino culture through sports.
ReplyDelete