Posts

Showing posts from July, 2024

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo

Image
  Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo (isinulat ni Joel D. Anajao)    Hulyo  25, 2024 araw ng kapistahan ng bayan ng Paete sa Laguna. Ang mga kapistahan sa bawat bayan ng bansa ay ginaganap kada taon upang ipagdiwang ng komunidad ang panahon ng pagkakatatag ng kanilang bayan o kaya’y upang ipagdiwang ang kasantuhan ng Patron Saint nila. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tanda ng impluwensya ng Kastila sa kanilang pagpapalaganap ng Katolisismo at kasabay na rin ang pananakop sa mga naunang katutubo sa bansa. Ito ay ginamit upang maanyayahan ang mga katutubong malayo sa iba na tumira sa bayang itinatag ng mga Kastila upang mabuo ang mga pueblo o bayan kung saan ang sentro ay ang simbahan. Kaya’t ang mga lumang bayan sa bansa ay tipikal na may Patron Saint at ang mga munisipyo ay malapit sa simbahan. Manlalaro ng arnis de mano sa kanilang sagupaan Ang kakaiba sa kapistahan sa bayan ng P aete ay ang pagkakaroon ng paligsahan ng arnis, kung saan ang mga manlalaro mu...