Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo
Arnis de Mano: Laro
ng mga Maginoo
(isinulat ni Joel D. Anajao)
Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tanda ng impluwensya ng Kastila sa kanilang pagpapalaganap ng Katolisismo at kasabay na rin ang pananakop sa mga naunang katutubo sa bansa. Ito ay ginamit upang maanyayahan ang mga katutubong malayo sa iba na tumira sa bayang itinatag ng mga Kastila upang mabuo ang mga pueblo o bayan kung saan ang sentro ay ang simbahan. Kaya’t ang mga lumang bayan sa bansa ay tipikal na may Patron Saint at ang mga munisipyo ay malapit sa simbahan.
Ang kakaiba sa kapistahan sa bayan ng Paete ay ang pagkakaroon ng paligsahan ng arnis, kung saan ang mga manlalaro mula sa ibang karatig bayan gaya ng mga bayan ng Magdalena, Lumban, Kalayaan, at Pangil ay sumasali sa taunang paligsahan ng larong arnis de mano.
Arnis de Mano ang kanilang katawagan sa isang sining ng paggamit ng brokil at patalim, ang brokil ay ang pamalo na may habang 28 hanggang 30 pulgadang yantok na ginagamit sa pagyabat o pagpalo sa kanilang kalaro sa paligsahan.
Ang palaro na “Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo” ay inorganisa ng grupong The Centurion Original 1975, sa pamumuno ng kanilang kasalukuyang pangulo na si Maestro Arvin Paygane at ng kanyang mga kasamahan.
Sukatan
Ang kapansin-pansin na estilo ng mga manlalaro sa kanilang pakikipaglaban sa stage ay masasabing nakabatay sa ‘sukatan’ o measurement ng layo ng kalaban at kung saan ito ay maaari ng ‘yabatin’ o paluin gamit ang brokil. Kayat kapansin-pansin din ang maparaang paghakbang at pag-atras ng mga manlalaro upang makakuha ng advantages or makalayo sa kalaban.
Malakas ngunit Kontrolado
Gamit ang brokil o pamalong rattan na hindi padded, ang
manlalaro ay maaaring tamaan sa halos lahat ng kanyang bahagi ng katawan; may
mga laro na may pag-iingat din sa kanilang kalaban lalu na at magkapareho ng
bayan ang manlalaro, may mainitang labanan naman lalu na’t galing sa magkaibang
bayan ang mga manlalaro. Dito pumapasok ang halaga ng ‘referee’ na siyang pumipilgil
sa labanan kung ang mga manlalaro ay nagkakainitan na.
Ang mga manlalaro ay walang proteksyon gaya ng head gear o anuman, ang kanilang proteksyon ay ang kanilang karunungan sa pakikipaglaro ng arnis de mano. May ilang nakakatamo ng pamamaga ng braso, daliri, balikat, at maging pumutok na bukol sa ulo. Ngunit sa huli sila ay nagkakamayan bilang mga maginoo sa labanang nangyari. Ang sabi ng isang kalahok “hindi ka isang manlalaro kung hindi ka masasaktan!”
Ang laro ay may dalawang (2) minuto na binubuo ng tatlong (3) rounds; pinamamahalaan ng isang referee at tatlong (3) hurados na nagmamarka kung saan tinamaan ang manlalaro. Isang puntos para sa tama sa binti at braso, dalawang (2) puntos para sa tama sa ulo o katawan. Ang manlalarong magwawagi ay makakatanggap ng salapi, sakong bigas, at katibayan.
Tunay na Hispanic-Filipino
Ang paglalabanan ng mga manlalaro ng arnis de mano sa ibabaw ng entablado kasabay ng saliw ng mga tugtuging pangpiyesta, sa paligid ay mga banderitas at mga imahe ng mga santo, sa harapan ng simbahan, ay ang katangian ng isang halintulad ng ‘Stage Gladiatorial Fight’ noong 16th hanggang 18th century sa Europe, kung saan ang mga manlalaro ay handang masaktan at manalo sa mga nakahandang premyo sa palaro.
Masasabi nating mararamdaman ang kulturang dala ng mga Kastila na naging bahagi ng pagka-Filipino ng bayan. Maging ang mga konsepto at salita gaya ng brokil, siete henerales, centurion, arnis de mano at iba pa ay kitang kita ang tradisyon ng Spanish swordsmanship sa galaw na umaayon sa mga Filipino.
Tradisyon ng Pamilya at Komunidad
Ang arnis de mano
sa Paete at mga karatig bayan nito ay malayo sa karaniwang mga arnis groups,
ang mga maestro dito ay hindi naghahangad ng maraming mag-aaral na magbabayad o
maging commercialized ang kanilang karunungan, mas gusto nila ang mga taong kusang
lalapit sa kanila upang matutunan ang karunungan minana pa nila sa kanilang mga
magulang at nakakatanda.
Ang tradisyon ng arnis de mano sa mga bayan na ito ay hindi pangsport, bagkus ay pagpapatuloy ng tradisyon kinamulatan na ng kanilang mga magulang. Isang uri ng arnis de mano na laging kaugnay sa mga pagdiriwang ng bayan, ang piyesta at ang cenakulo.
Hindi lamang ito nahihinto sa mga gawaing pangkomunidad, bagkus ay bilang commitment nila bilang mga mananampalataya sa kanilang patron na si Santiago Matamoros (St. James The Moor Slayer).
Si Santiago Matamoros ay representasyon ng mga Kastila kay St. James na pinaniniwalaang nagpakita at tumulong sa mga Reconquista na masakop ang Andalucia (Muslim Spain) sa bayan ng Clavijo mula sa mga kamay ng mga Moro.
Danza delos Moros y Cristianos, Moro-Moro, Arnis de Mano
Ang Moro-Moro na
isang uri ng comedian na pagtatanghal o ‘stage drama’ noong kapanahunan ng
Kastila kung saan ang istorya ay hinggil sa labanan at pag-iibigan sa panahon
ng Cruzade sa Espanya. Ito ay Filipinong version halaw sa Danza delos Moros y
Cristianos sa Espanya na isang pangsimbahang pagdiriwang na ipinapakita ang
tagumpay ng mga Kastilang Katoliko laban sa mga Morong Andalucian.
Ang Moro-Moro ay siyang nag-anak ng mga Cenaculo at mga ‘Batalla’ o labanan na ipinapakita sa mga pagdiriwang mga kapistahang Katoliko. At dito naging mahalaga ang karunungan ng paggamit ng sandata, o mas tinatawag sa lumang salitang Kastila na ‘arnes.’ Arnes de Mano, sang-ayon sa pananaliksik ni Rollo (2022) na ang pakahulugan ay paggamit ng sandata.
Maaaring dito nagsimula ang
mga pagsasanay kung paano gumamit ng sandata gaya ng mga espada at katutubong
patalim, na kailangan ipakita sa mga pagtatanghal na mga ito.
Arnis de Mano ng Paete: Lubid
ng kasaysayan ng Classical FMA
Ang arnis de mano sa bayan ng
Paete at mga karatig bayan nito, kasama ang mga pagdiriwang at iba pang
kapistahang bayan ay masasabi nating ‘link’ o lubid sa mahabang panahon ng development
ng arnis na ngayon ay naging pambansang sport at martial art ng Pilipinas. Ang
arnis de mano ng Paete at ang kasaysayan ng bayan na ito ay nagsasalarawan kung
paano nadevelop ang arnis. Mas mainam kung may mga akademikong pagsasaliksik
ang gagawin hinggil dito.
Paete, Laguna
July 25, 2024
Sanggunian:
Anajao, Joel (2023). Arnis
Paete: A Sense of Historical, Cultural, and Martial Tradition.
Swordman’s
Journey
https://joelanajao.blogspot.com/2023/11/paete-arnis.html
Humanities Review,
Vol. 11-12, 2009-2010, ISSN-0031-7802,
https://rua.ua.es/dspace/bitstream/10045/42229/1/2010_Donoso_PHR.pdf
Vol.32. No 3 (3rd
Quarter 1984) pp. 305-321, Ateneo de Manila, Philippines
Naquem, a sense of
understanding, http://naquem.blogspot.com/2011/04/cenakulo-2010-from-centurion-original.html
June 1976, https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/server/api/core/bitstreams/532ef3d2-6226-4890-ae56-bdbf5a0aed35/content
Rivas, R.A. (2022). Los historiantes
de huertas: La Danza de los Moros y Cristianos, Sources:
http://portal.amelica.org/ameli/journal/297/2972153008/html/
Rollo, A. (2022). New Insights
into the History of Filipino Martial Arts, Source:
https://www.kalifilippino.it/storia/new-insights-into-the-history-of-filpino-martial-arts.html?fbclid=IwY2xjawEQsPhleHRuA2FlbQIxMAABHVIKGZImqBtpY-x1r-xfW4Ula17nroegclCVHCunQQzJCEsZwDeIs5P16g_aem_VKL4rO45kKjb481umv92MQ
BPED 2-1 (202404302)
ReplyDeleteMatapos kong basahin ang essay, aking napagtanto na napakalaki ng naging impluwensya sa atin ng mga Kastila, hindi lang sa mga salita kundi maging sa mga nakagawian. At sa aking palagay, ang kompetisyon or sports na ‘Arnis De Mano’ ay hindi lang basta nakakakalinang ng bilis sa pagkilos ng manlalaro, matututunan din nila ang pagiging mautak at madiskarte dahil sa pamamagitan nito, mas magagapi nila ang tagumpay. At bilang aking opinyon, isa din itong magandang sports o abilidad na dapat matutunan ng bawat isa dahil maaari nating magamit ito sa pagprotekta sa ating mga sarili. Sa essay na ito pinakita din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng referee sa bawat laro, at natutunan ko din matapos itong basahin kung gaano kahalaga ang pagtanggap sa resulta ng laro, at kung gaano kahalaga ang pagrespeto sa makakatapat mo sa laro.
Mahusay at detalyado ang naging pag sulat ng may akda. Masusi ang naging paglalarawan dito na nagbibigay-pugay sa kagandahan at kahalagahan sa ng martial art at aspeto ng kasaysayan nito.
ReplyDeleteBPED 2-1 [ 202305808 ]
ReplyDeleteBPED 2-1 (202304014)
Ang “Arnis de Mano” ay hindi lamang isang martial art; ito ay simbolo ng kasaysayan at karangalan ng mga Pilipino. “Arnis” ay nangangahulugang sining ng pakikipaglaban gamit ang mga armas, habang “de mano” naman ay tumutukoy sa kamay, dahil maaari rin itong isagawa nang walang armas. Sa mga kapistahan tulad ng sa Paete, Laguna, ipinapakita ang husay ng mga manlalaro sa pamamagitan ng paligsahan. Nagiging mahalaga ito sa bawat komunidad, hindi lang bilang isang laro kundi bilang bahagi ng ating identidad bilang lahi. Ang impluwensiyang Kastila sa kapistahan ay malinaw, ngunit ang Arnis ay nagpapaalala ng tapang at kasanayan ng mga sinaunang Pilipino sa pakikipaglaban. Ito ay patunay na ang ating kasaysayan at kultura ay may malalim na ugnayan sa ating mga tradisyon.
Kung iisasahin ko man ang mga interesting part na nabasa ko dito, siguro ito yung kakaibang way nila ng pagdiriwang ng kapistahan dahil hindi lamang nagdiriwang ng kapistahan ng kanilang Mahal na Petron kundi pati na rin ng kasaysayan ng impluwensiyang Kastila at ang karanasan ng mga naunang katutubo. Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paraan upang mapanatili at ipasa ang mga aral ng nakaraan at mapalakas ang pagmamalaki sa pagkakakilanlan ng mga PaeteƱo.
ReplyDeleteIsa sa mga pangunahing tradisyon ng Paete ay ang taunang paligsahan ng Arnis de Mano, na isang mahalagang bahagi ng kanilang kultura at kasaysayan. Ang kompetisyong ito ay nagbibigay-daan para sa mga mamamayan, pati na rin sa mga karatig bayan, na ipakita ang kanilang galing at disiplina, habang pinapalakas ang ugnayan ng mga komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at kompetisyon sa Arnis, nahuhubog ang mga mamamayan ng Paete sa pisikal, mental, at emosyonal na aspeto. Ang Arnis ay nagiging simbolo ng lakas at tiyaga, na nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na ipagmalaki ang kanilang tradisyon at makibahagi sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
BPED 2-1 202404302
ReplyDeleteMatapos kong mabasa ang essay na patungkol sa “Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo“, aking napagtanto na hindi lamang sa salita tayo naimpluwensyahan ng mga kastila, kundi maging sa ating mga nakagawian ay malaking parte ang kanilang kultura. At kung pag uusapan naman ang tungkol sa larong Arnis De Mano, masasabi kong isa ito sa laro o ‘sports’ na dapat tangkilikin at aralin ng mga kabataang Pilipino, dahil tuturuan ka nito hindi lang kung paano maging mabilis, kundi kung paano mas maging matalino at madiskarte sa paggapi sa iyong kalaban. Sa pamamagitan din ng essay na ito aking nabatid kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng referee sa bawat laro. Aking mai-rerekomenda ang arnis de mano bilang isang magandang sports, dahil sa paglilinang ng larong ito ay maaari mo ring magamit ang kakayanang matutunan mo sa pagligtas sa iyong sa sarili kung kinakailangan.
BPED 2-1 202404302
ReplyDeleteMatapos kong mabasa ang essay na patungkol sa “Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo“, aking napagtanto na hindi lamang sa salita tayo naimpluwensyahan ng mga kastila, kundi maging sa ating mga nakagawian ay malaking parte ang kanilang kultura. At kung pag uusapan naman ang tungkol sa larong Arnis De Mano, masasabi kong isa ito sa laro o ‘sports’ na dapat tangkilikin at aralin ng mga kabataang Pilipino, dahil tuturuan ka nito hindi lang kung paano maging mabilis, kundi kung paano mas maging matalino at madiskarte sa paggapi sa iyong kalaban. Sa pamamagitan din ng essay na ito aking nabatid kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng referee sa bawat laro. Aking mai-rerekomenda ang arnis de mano bilang isang magandang sports, dahil sa paglilinang ng larong ito ay maaari mo ring magamit ang kakayanang matutunan mo sa pagligtas sa iyong sa sarili kung kinakailangan.
BPED 2-1 | 202301442
ReplyDeleteAng larong Arnis De Mano ay isang tanda at simbolo ng pagiging makulay ng ating kultura na siyang naimpluwensyahan ng mga mananakop na kastila. Bagamat masalimuot ang naging tagpo ng kasaysayan, ay may iniwan pa rin itong mga magagandang bakas na ating napapakinabangan hanggang ngayon.
Ang larong Arnis de mano ayon sa artikulong ito ay hindi lamang larong pang competition bagkus ay isang tradisyong ipinagpapatuloy pa ng mga tao mula sa kanilang mga ninuno.
ReplyDeleteBSHM 2-5 (202303780)
ReplyDeleteSa gitna ng modernong panahon, may mga tradisyong nagpapatunay sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Isa na rito ang Arnis de Mano sa bayan ng Paete, Laguna- isang sinaunang sining ng pakikipaglaban na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa mga kapistahan at pagdiriwang ng komunidad. Ipinapakita rin sa sanaysay na ito kung gaano kalaki ang impluwensiya ng mga kastila sa ating bansa.
Maganda ang sinulat ni Joel D. Anajao tungkol sa Arnis de Mano, nakakatuwa kung paano ito naging parte ng kulturang Filipino at kung paano pinararangalan sa mga kapistahan tulad sa Paete. Nakakatuwang malaman na ang larong ito ay hindi lang simpleng paligsahan, kundi nagpapakita rin ng tapang at galang sa tradisyon natin. Ang paglaro nang walang proteksyon, maliban sa sariling kaalaman, ay simbolo talaga ng pagiging maginoo ng mga manlalaro. Nakaka-proud bilang isang pilipino
ReplyDeleteMaganda ang sinulat ni Joel D. Anajao tungkol sa Arnis de Mano, nakakatuwa kung paano ito naging parte ng kulturang Filipino at kung paano pinararangalan sa mga kapistahan tulad sa Paete. Nakakatuwang malaman na ang larong ito ay hindi lang simpleng paligsahan, kundi nagpapakita rin ng tapang at galang sa tradisyon natin. Ang paglaro nang walang proteksyon, maliban sa sariling kaalaman, ay simbolo talaga ng pagiging maginoo ng mga manlalaro. Nakaka-proud bilang isang pilipino
ReplyDeleteang arnis de mano sa paete laguna, ay isang natatanging laban ng arnis na binibigyang halaga ang disiplina at respeto sa kalaban. Hindi naka-padded ang mga pamalo, kaya't kailangan ng mga manlalaro ng kontrol at ingat para maiwasang masaktan. Pinapakita rin nitoang konsepto ng sukatan o tamang distansya sa kalaban na mahalaga para sa maingat at taktikong paggalaw. Ang laro ay nagpapakita ng tapang at pagiging maginoo ng mga manlalaro na walang proteksyon at umaasasa sariling galing. Ang laro ng mga maginoo ay isang pagpapahalaga sa kulturan pilipino kung saan ang arnis ay hindi lang laro kundi simbolo ng karangalan at pamana.
ReplyDeleteSa aking pagbabasa ng Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo, naiintindihan ko ang kabuluhan ng kultura at tradisyon na dala ng arnis sa Paete, Laguna. Ito ay hindi lamang isang uri ng maikling laro o martial art para sa kanila kundi isang sagisag ng kanilang pamana, isang koneksyon sa kanilang kasaysayan at pagkakakilanlan. Sa bawat pagdiriwang ng kapistahan, ang mga manlalaro mula sa iba't ibang bayan ay nagtitipon nang walang anumang proteksyon maliban sa kanilang sariling kakayahan at pagkontrol, upang maipamalas ang kanilang galing at ipakita ang respeto sa kanilang tradisyon. Sa bawat brokil na kanilang ipinapakita, matatanaw ang respeto at disiplina, kahit na may panganib ng pinsala, dahil dito'y ipinapakita nila ang kanilang tapang at kababaang-loob sa bawat laban. Nakalulugod malaman na patuloy na ipinapasa ng mga maestro ng Paete ang kanilang kaalaman bilang pagtalima sa kanilang mga ninuno at sa kanilang bayan, hindi upang magtubo ng pera kundi upang ipagpatuloy ang pamana ng kanilang kasaysayan. Sa wakas, ang arnis de mano ay higit pa sa isang laro—ito ay isang sagisag ng lakas ng pagiging Pilipino.
ReplyDeleteSa Paete, Laguna, ang Arnis de Mano ay isang tradisyonal na gawain na naglalarawan ng kasaysayan at kultura ng komunidad. Sa bawat pagdiriwang, ang mga manlalaro mula sa iba't ibang lugar ay nagtitipon upang ipamalas ang kanilang galing at respeto sa larangan nang walang kahit anong proteksyon. Sa pagpasa ng kaalaman mula sa mga nakatatanda patungo sa mga kabataan, ipinapakita ng Arnis ang pagpapahalaga sa tradisyon at pagiging Pilipino.
ReplyDeleteBSHM 2-5 (202302477).