Posts

Duelo and Filipino Martial Arts

Image
  Duelo and the Filipino Martial Arts          Last night there was a disturbance near us, two drunken men challenged each other and almost engaged with their gulok , thanks to the arrival of the barangay tanod (community security aide) and a town councilor the two were separated. I remembered the two arnisadores who challenged on online social media to duel to finish the matter of their contest, where they agreed to task me as the arbiter in their duel. Fortunately, I and other friends helped to save the two because dueling is strictly prohibited by law in the Philippines, not only the two who challenged will be punished by the law but also the people who intervened and helped in having the duel.   Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Duel#/media/File:FrzDuellImBoisDeBoulogneDurand1874.jpg According to Rollo (2022), a duel is a formalized fight between two people in conflict; four main types of duels existed before in Italy, the “ duello cavalleresco ” or “chivalrous duel ”

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo

Image
  Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo (isinulat ni Joel D. Anajao)    Hulyo  25, 2024 araw ng kapistahan ng bayan ng Paete sa Laguna. Ang mga kapistahan sa bawat bayan ng bansa ay ginaganap kada taon upang ipagdiwang ng komunidad ang panahon ng pagkakatatag ng kanilang bayan o kaya’y upang ipagdiwang ang kasantuhan ng Patron Saint nila. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tanda ng impluwensya ng Kastila sa kanilang pagpapalaganap ng Katolisismo at kasabay na rin ang pananakop sa mga naunang katutubo sa bansa. Ito ay ginamit upang maanyayahan ang mga katutubong malayo sa iba na tumira sa bayang itinatag ng mga Kastila upang mabuo ang mga pueblo o bayan kung saan ang sentro ay ang simbahan. Kaya’t ang mga lumang bayan sa bansa ay tipikal na may Patron Saint at ang mga munisipyo ay malapit sa simbahan. Manlalaro ng arnis de mano sa kanilang sagupaan Ang kakaiba sa kapistahan sa bayan ng P aete ay ang pagkakaroon ng paligsahan ng arnis, kung saan ang mga manlalaro mula sa ibang karatig

One Hit one Kill or To Hit and Not to be Hit

Image
  One-Hit One Kill or To Hit and Not to be Hit               Ang karamihang martial arts na naging sports ay kadahilanan ng pagsasapubliko nito. Bagama’t ang pangunhing layunin ng karamihang martial arts ay self-defense, maliban sa health and fitness; ang pagiging sports nito ay mas makakakuha ng maraming practitioners at pagtangilik ng mga pribado at pampublikong institusyon. Nandiyan ang Olympic sports fencing na nagmula sa tinatawag na historical fencing, ang sports karatedo ay nanggaling sa traditional karate maging ito’y Japanese o Okinawan; ang Judo ay nagmula sa sinaunang Jujitsu ng mga Bushi (warrior) ng Japan, ang Olympic Wrestling na nagmula sa konsepto ng Greco-Roman Prankration, at marami pang ibang combative sports na nanggaling sa original na martial arts na ang pangunahing layunin ay paano magwagi sa labanan o maipagtanggol ang sarili. Ang sanaysay na ito ay isang paglilimi hinggil sa paano nga ba ang konsepto ng isang combative sports, sa particular ay paano nga b

Arnis and Sakuting

Image
  Sakuting and Arnis   Sa isang student teacher’s demonstration   ang naging paksa ay hinggil sa ‘folk dances,’ sa particular ay paksa ay hinggil sa ‘sakuting’. Ito ay isang ‘folk dance’ sa norte, sa lalawigan ng Ilokos at Abra. Ang nakakapansin na katangian nito ay ang mga mananayaw ay may hawak ng dalawang sticks na kanilang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas nito. May nagsasabi na ito ay ‘inspired’ ng arnis, isang sayaw daw na kung saan itinago ang mga techniques ng arnis sa mga mata ng mananakop. Inspired, ibig sabihin ay ito ay nagmula o nabuo mula sa karunungan ng arnis. Kaya’t minsan ay may nagsayaw nito na imbes na purong mga steps ng ‘sakuting’ ay dinagdagan ng mga ilang galaw ng arnis gaya ng ‘sinawali.’ Ang ganito ay maaaring masabing tunay nga na ang arnis ay sinaunang martial art ng mga sinaunang Filipino, na ito’y pagpapatunay na ang mga karunungan ng arnis ay itinago sa pamamagitan ng sayaw. Ngunit maaari din na ibang anggulo naman ang pangyayari. Halina’t tal