FMA Trend and Challenges: From Stick to Sword
Kapansin-pansin
na dumarami ang mga practitioners ng arnis/eskrima na gumagamit na ng Filipino
swords na maaaring gawa sa synthetic plastic o kaya ay blunt steel. Noon
makikita mo ang mga fancy moves ng isang ‘GM’ o ‘self declared GM’ na
nagdedemonstrate sa social media ng kanyang carenza gamit ang mga rattan sticks. Ngayong taon 2025,
naglipana na ang mga ito na gumagamit ng synthetic bolo. Ano nga ba ang
kadahilnanan kung paano nangyari ito at ano ang maaaring maging trend pa?
The
Birth of HEMA and the Emergence of Synthetic Swords
Ang
Historical European Martial Arts (HEMA) ay isang akademiko at practical na pag-aaral
ng mga pamamaraan ng pakikidigma gamit ang iba’t ibang sandata mula sa
pugalismo, dagger fighting, sword fighting, spear fighting, at mga kahalintulad
ng mga sandatang ginamit noong bago pa ang modernization ng Europe. Ang
pinakapopular na bahagi ng HEMA ay ang mga sword practices ng iba’t ibang paraan
ng paggamit ng tinatawag na white weapons o mga sandatang gawa sa steel. Sa
kasalukuyan ay popular ang mga practices at tournament ng HEMA na kakikitaan ng
paggamit ng longswords, rapier and dagger, messer, arming swords, sideswords, small swords, at military saber.

Isa sa mga
pangunahing concern sa pagpapractice at free sparring sa HEMA ay ang safety ng
manlalaro. Kaya’t nagkaroon ng mga innovation ng protective gears at replica
swords, kaya’t karaniwan na makikita na ang isang HEMAist na nakasuot ng
gambeson, gauntlet, gorget, knee-shin protectors. Ang mga manlalaro ay
karaniwang nagsisimulang gumamit ng replica swords na gawa sa high impact
plastic, na sadyang dinisign na matibay. At ang pinaka huli ay ang paggamit mismo ng
espadang gawa sa spring steel na blunt, mga steel replica na may kakayanang magbend para maiwasan ang stabbing injury sa
manlalaro.Ang dulo ng mga
replica swords na gawa sa blunt steel ay may iba’t ibang hugis,
nandiyan ang spatula tip, rolled tip, rounded tip. Ang isang Magandang uri ng steel
replica swords ay yung tunay na kahawig sa pagkakagawa ng totoong espada sa
sukat, sa furnishing, at sa bigat. Kayat masasabing ang isang swordsman noon ay
tunay na umaasa sa mga swordsmith o panday kung paano magagawa ang kanyang
espada. Ang panday ay may agham na kaalaman kung paano magiging matibay, maganda
at functional ito sang-ayon sa uri ng pakikidigma.
Sa Pilipinas,
ang pagpapractice ng HEMA ay nagsimula pa noong mga una at ikalawang dekada ng
21st century, karaniwang nagsimula nito ay mga sports fencers at mga
arnisador na naexposed sa HEMA noong sila ay nadayo sa Europe, nandiyan ang
halimbawa nila Elrik Jundis, Vier Tajonera, at Joel Anajao.
Influence
of HEMA synthetic swords on FMA Community
Sa
mga naisagawang Laban-Laro sa pangunguna ni Elrik Jundis, kung saan ang mga iba’t
ibang arnisadores na open minded ay nagkikita kita at nagsasagawa ng
freesparring upang subukan ang kanilang kaalaman at estilo laban sa ibang
grupo na hindi sport-point oriented. Sa mga naisagawang mga Laban-Laro, ang mga
HEMA practioners na mga arnisadores ay nagsimulang isama sa Laban-Laro ang
paggamit ng mga HEMA replica swords. At dito nagkaroon ng consciousness na
dapat ay magkaroon din ng replica Filipino swords na gawa sa plastic na
magagamit hindi lamang sa practice pati na rin sa freesparring. Hanggang sa may
mga local proprietors na gumawa ng synthetic Filipino swords na naging open sa
market na mabibili ng iba pang FMA practitioners.
Synthetic Filipino swords made by a local manufacturer
Noon ay may
bilang na bilang lamang ang grupo na nagsasanay ng arnis/eskrima na nag-eencourage
na gumamit ng blade, kadahilanan na ang kanilang estilo ay blade-oriented kaiba
sa karamihan na stick-oriented ang pagsasanay. Sila rin mismo ang grupo ng FMA
practitioners na sumali sa mga free-weapon competition na gamit ay synthetic
swords.
Mga
Stick Fighters na Nagnanasang Maging Swordsmen
Sa
kasalukuyan ay dumadami na, at kitang kita sa social media ang mga tao at grupo
na noon ay bidang bida sa pagpapakita ng kanilang kasanayan sa paggamit ng
sticks, na ngayon ay iba na ang hawak, ang mga synthetic swords na locally nang
nabibili. Ngunit kapansin-pansin pa rin na ang kailang galaw ay stick oriented,
nandiyan ang kawalan ng kaalaman sa edge alignment ng mga angles of cuts at
pag-unawa sa bigat at gamit mismo ng totoong Filipino swords. Ang mga sumusunod
ay mga recommendation upang mas maunawaan ang paggamit ng synthetic swords.
Various Innovative
Practice Weapons by Filipinas Sala de Armas
Edge Alignment
Ang
paggamit ng espada ay kinakailangan nasa tamang angle upang ang talim mismo
nito ang tatama sa target sa katawan ng kalaban. Kayat masasabi na dapat ay
maging conscious ang stick fighter na gagamt ng espada na ang sharp edge ang tatama.
Kayat ang padalus dalos at fancy na pagpapa-ikot nito ay hindi katulad ng paggamit
ng rattan sticks na mas madaling mamanuever, ang espada ay may patalim at
kaunting maling galaw dahil sa mga fancy moves ay maaaring makapinsala sa
gumagamit nito. Tunay na ang flat side ng espada ay ginagamit din sa mga
slapping techniques. Ngunit mas maiging maging conscious ang stick-oriented
practitioners sa usaping ito. Ang pagasasanay din ng ‘cutting’ ay mahalaga
upang mas maging aware ang practitioners sa pagpatama ng talim mismo ng espada.
Correct Sword
Hilt Grip
Karaniwan
sa mga stick-based practitioners na may kulang sa pag-unawa kung paano
hahawakan ang hilt ng Filipino swords, ito’y sa kadahilanan na ang kanilang
karaniwang ginagamit ay yantok na bilog ang hawakan, na kaiba sa mga hawakan ng
mga Filipino swords. Mas mainam kung magtatanong sa mga panday at mga
magsasaka kung paano nga ba ito hinahawakan kung gagamitin sa pagputol ng kahoy
at ng laman. Ang mga Filipino sword hilts at may iba’t ibang desenyo, at ang
mga desenyo na ito ay hindi lamang palamuti kundi may functional use.
Practicality of
Movement
Sa
karaniwang nagsasanay ng arnis/eskrima ang fancy moves gaya ng maraming
pagapapa-ikot bago tumaga. Ang Filipino sword na gawa sa steel ay kakaiba ang
bigay at natural na anyo kumpara sa rattan sticks. Ang sticks ay impact edge,
ang lahat ng bahagi nito ay magagamit upang makapagdulot ng pinsala sa kalamnan
at mga buto ng kalaban; ang sword ay dinisigned upang magdulot ng cuts sa katawan
ng kalaban, mas mabigat ito kaysa sa rattan sticks. Kayat mas mainam kung ang
practitioner ay isasaisip na imaximize ang energy nya sa pagtaga at pagdefense
kaysa sa nakagawiang fancy moves gamit ang sticks.
Blade In-Front
Dapat
maunawaan ng isang stick fighter na ang sword ay hindi lamang pangtaga o
pangsaksak kundi ito ay shield laban sa attacks at counter-attacks ng kalaban.
Sa paggamit ng white weapon, ito ay dapat laging nasa unahan ng katawan upang
magsilbing shield at hindi maencourage ang kalaban na basta na lamang umatake
dahilan sa ang espada ay nakahanda, ang talim nito o ang tulis nito ay nakatutok
sa kanya. May mga pagkakataon na ang isang swordsman ay inilalagay sa gilid, sa
itaas, sa ibaba, ang blade ng espada ngunit ito ay nagsisilbing tactical na
invitation o deception.
Sa paggamit ng
swords, ang live hand ay mas nagiging limitado ang galaw, bagamat magagamit din,
mas delikado ito dahil sa ang paglalaban ay may talim.
Sword's Edge
Biting During Collision
Hind
tulad ng rattan sticks kapag nagkatamaan ay may tunog na kilala na nagcollide
ang stick to stick; ang swords ay may kakaibang katangian. Nandiyan na
nagkakaroon ng weaving at bending mismo ang espada lalo na kung saan ang
pagagagawa nito ay hindi mainam. Ang weaving at bending ay sinasamantala ng
isang magaling na swordsman upang magamit ang pagkakataon na ito upang maka
land ng thrust o cut sa kalaban.
Nagkakaroon din
ng sharp edge gouging kung saan ang mga talim ng nagcollide na swords ay
nabubungi na nagdudulot ng spark na maaaring makapinsala sa mata ng gumagamit.
Ang talim din na nagcollide ay nagkakagatan at nagbibigay ng ilang fractions of
second na maaaring gamitin ng swordsman na advantage upang matamaan ang kanyang
kalaban o magamit ang closing-in techniques gaya ng dis-arming o grappling.
Panghuli
Marami
pang dapat maunawaan ang isang stick-oriented practitioners na gagamit ng blade-oriented
weapons maliban sa mga nabanggit sa itaas. Ang mahalaga ay bukas ang isipan na
iba ang rattan sticks at bladed swords, bagamat may ilang similarities sa
galaw, iba ang nature ng mga ito, ang isa ay impact weapon, at ang isa naman ay
bladed weapon. Ang pag-unawa sa nature at advantage ng weapon ay integral na
bahagi ng martial arts. Mas maigi na nagiging aware na sila sa paggamit ng
bladed weapon maliban sa stick.
HEMAists,
Traditional Arnis Groups, & Philippine National Arnis Team during the
2023
Filipino Saber Slash
Isa pang dapat
isaalang-alang sa pagsasanay ay ang safety ng practitioners, at mga legal
issues sa pagdala nito lalu na sa urban setting. Ang pagtuturo ng bladed weapon
ay isang pagsasalin ng kamandag sa kanyang estudyante, na kung saan ang
kamandag na ito ay ginamit sa tunay na buhay ay may pananagutang legal at moral
ang nagturo. Mas mainam din kung ang mga stick-oriented practioners na gagamit
ng balded weapon na open minded na makaranas ng free-style sparring laban sa
ibang grupo sa isang friendly Laban-Laro. Hindi naman siguro maganda makita na
ang bladed weapons ay ginagamit lang din sa exhibition at less functional na mga ‘flow
drill’ kung saan naging sanay na ang mga stick-oriented practitioners. Mahalaga
na magpundar ang isang ‘stickman’ na gustong maging ‘swordsman’ ng mamahaling
replica swords, at mga protective gears. Tandaan ang pagiging swordsman ay
isang prebilihiyo.
Joel Anajao
Lumban, Laguna
Matapos matapos
makapanood ng mga magsasaka na magaling tumabas ng kahoy.
8-14/2025
Comments
Post a Comment