Balila, weapon of self defense.

 

Balila

 

Excited ako sa paghighintay sa pinagawa kong ‘balila,’ mangagaling pa ito sa lalawigan ng Mindoro. Naisip ko na gawan ng blog ang paksa tungkol sa balila. Ang balila ang katawqan sa ilang bahagi ng Ilocandia; ito yun brokil sa katagalugan. Isang sandatang gamit sa pagtatanggol sa sarli, ito ay may karaniwang haba na 30 pulgada, may lapad an 1.5 na pulgada at kapal na kalahating pulgada. Lapad ito at may desenyo ang hawakan, para bang wooden sword, yun nga lang ay karaniwang walang tulis sa duluhan nito. 


Ang balila ay karaniwang gawa mula sa matibay na kahoy gaya ng kamagong, bahi, o kaya’y gijo. Una akong nakakita nito noong paslit pa ako mga around early 70s, sa mga tipikal na Batangueno na naglalako at nagbebenta ng kulambo at kumot sa kamaynilaan noon. Ang kanilang produkto ay nakabalot sa isang karaniwang puting kumot, ang mga produkto at nakatupi ng maayos, ito ay binubuhat nila sa kanilang balikat gamit ang isang lapad na kahoy na may handle, ito yun brokil o balila.

Bukod sa gamit ito sa paglalako ng mga produkto, ito rin ay tiyak na gamit sa pagtatanggol laban sa posibleng manghold-up sa kanila.

Maging sa ilang lugar sa Cavite at Laguna noon, karaniwang makikita ito na dala ng mga barangay tanod o kaya ay nakatabi sa mga dingding ng bahay. Ito ay tinatawag din na estocada sa ilang bahagi ng lalawigan ng Batangas, at garrote sa Bicol.

 

Balila

              Ang salitang ito ay nadinig ko sa isang kakilala, noong mga dekada ng 90s, matapos akong magsagawa ng ‘training the trainors’ sa mga kapwa ko PE teachers kung paano ituturo ang arnis sa aming mga mag-aaral sa Philippine Science and Technology Center. Isa sa mga kasama ko ay nagdala nito, at ako ay natuwa dahil kilala ko itong gamit na ito bilang bahagi ng kasaysayan ng arnis. Sa kanya ko nadinig na tinawag nya itong ‘balila.’

May kabigatan ang dala niyang balila na yari isa bahi ng punong anahaw, ito ay halatang pinaglipasan na rin ng matagal na panahon, minana niya ito sa kanyang ama na dati raw naging barangay tanod sa kanilang lugar sa Isabela noong 70s.

Siya ay tinatawag naming ‘Tata Rollie’ o kaya ay ‘Sensei Rollie’ dahil siya ay isang certified aikido at shorin ryu karate instructor. Ngunit first time niyang nakapagtrain ng pormal sa arnis, modern arnis ang systema ginagamit naming sa pagtuturo sa mga paaralan. Wala siyang maipakita na flashy na moves kung paano gamitin itong balila ng tatay nya, Ang naipakita lang nya ay kung paano daw ito pinagsasanayan ng tatay niya noon, ilang moves ang kanyang natutunan sa tatay niya.


Paggamit ng Balila

Sang-ayon sa kanya ang balila ay karaniwang dinadala na hawak lang ng barangay tanod, minsan daw ay nakasuksuk sa likuran ng damit. Ang tipikal daw na kasuotan ng barangay tanod noon ay jeans, white shirt na may tatak ng barangay tanod o Bagong Lipunan, bull cap na may tatak ng barangay tanod, at minsan ay may tanod vest, either nakasapatos o nakatsinelas lang sila.

Ipinasya ko ng gawan ng blog ang mga natatandaan ko sa naishare niya sa akin, baka kasi malimutan ko na rin. Naidemonstrate ko na rin ito sa isang kaibigan na Fil-Am, kaso parang di naging interesado kasi nga walang flashy moves, walang drills, walang mga paikot. Ang mga galaw ay tipikal na kung paano lang gagamitin ito laban sa sinumang aatake sa isang tanod. Pero para sa akin ito ay isang historical information hinggil sa kung paano ito ginagamit.


Pagpalo mula sa likuran

Haklis

              Ang balila ay maaring gamitin kaagad mula sa pagkakasukbit sa likuran, at ito ay ipapalo ng paekis na paraan, mula sa kanang itaas pababa ng diagonal sa kaliwa, at muling ipapalo mula sa kaliwang itaas pababa ng diagonal  sa kanan.

 


Isang paraan din ng pagpalo mula sa likuran ay ang pababa mula sa kanan taas diagonal sa pababa pakaliwa, at maaring ipalo muli mula sa babang kaliwa at diagonal na pataas pakanan.


Pasaboy

Ito ang paraan ng pagpalo mula sa pagkakahawak ng balila sa tipikal na pagdala nito na hawak hawak mula sa kanan. Ito ay ipapalo ng diagonal na paitaas para bagang nagsasaboy ng butil ng palay. At ito ay maaaring ipalong pabalik mula sa kaliwang itaas pababang diagonal sa kanan bahagi.




Pahawi

Ang balila ay ipapalo sa  paraang hawawi o horizontal mula sa kanan pakaliwa o mula sa kaliwa pakanan.

 

Dos Manos

Ito ay paraan ng paghawak sa balila sa magkabila nitong duluhan. Ito ay maaaring gamitin sa pagsalag at susundan kaagad ng pagbayo o kaya ay pagbuntal o pagsaksak sa katawan ng attacker.









Sefety

Ang paggamit ng balila ay dalawang kaparaan kung paano ito ipapalo sa attacker. Ang pagpalo ng lapad ng bahagi ng balila ay may intension saktan lamang upang makontrol  ang isang taong kailangan arestuhin o pigilan sa pagatake.


                                                      The edge for bone breaking, the flat part for slapping

Ang pagpalo naman ng gilid na bahagi ng balila ay mas may intention na pigilin o disarmahan ang isang tao sa pamamagitan ng pagpalo sa mabutong bahagi ng katawan gaya ng kamay, foream, tuhod, lulod, at balikat. Pinakainiiwasan ay ang pagpalo sa bahagi ng ulo, dahilan sa ito’y nakamamatay.

 

Epilogue

     Ganito lang kasimple ang naibahagi niya sa akin, walang komplikadong drills, one-on-one techniques, at kwento.  Na sa tingin ko naman ay sapat na para magamit sa pagtatanggol sa sarili at gampanan ang responsibilidad sa usapin ng pakikiharap sa krimen sa komunidad.

Nabanggit din niya na may tawag ng tatay niya sa kaalamang ito, ito ay tinatawag na ‘cinco teros.’ Hindi niya nasabi kung saan natutunan ng tatay niya ito. Maaaring may nagturo sa kanila o kaya ay naituro ng lolo niya sa tatay niya.

Ang balila na ito ay maaari din nagbigay inspirasyon sa nobela sa komiks na may pamagat na “Kamagong.’ Ang original na novela sa komiks na katha ni Carlo J. Caparas noong 70s ay malaki ang kaibihan sa pelikulang’Kamagong’ na pinagbidahan ni Lito Lapid. Ngunit ang balila ay ang ginamit na sandata dito, na tinawag na ‘kamagong’ dahil ang arnis na lapad (balila) ang sandata ng bida sa comic-novel at sa pelicula.


                                               Ilang pahina sa komiks na bahagi ang nobelang "Kamagong"

Ang ganitong kaalaman at mga naibahagi ng mga taong may naging karanasan hinggil sa pggamit ng mga weapons of self-protection ay isang mahalagang bahagi ng historical puzzle kung paano natin makikita ang lawaran ng Filipino martial art noong mga nakaraang dekada.

 

 

Joel D. Anajao

12/22/2023

4:30 AM

Indang, Cavite

 

 

 

Sources:

 Pages of Filipino Komiks (n.d.) Aquatica, Pages of Filipino Komiks. Facebook Page, https://www.facebook.com/groups/284311875069134/posts/2081639772002993/

 

 Pasasalamat:

 Mr. Allan C. Guanlao at Mr. Wendel Marzo bilang gumanap sa mga larawan


Comments

  1. "BPED 2-1| 202300007
    -Ang "Balila," na nagmula sa lalawigan ng Mindoro at mas karaniwang tinutukoy bilang "Brokil," sa katagalugan. Ang kapansin-pansin sa blog na ito ay ang Balila, o Brokil, ay hindi lamang isang sandata sa pagtatanggol sa sarili; maaari din itong gamitin bilang isang kasangkapan para sa iba't ibang mga bagay na maaaring dalhin sa balikat. Ito ay kahanga-hanga na ang Balila o Brokil ay may dual function. Sa panahon ngayon, kapag nakakita ako ng isang tindero na gumagamit ng Balila o Brokil sa kanilang trabaho, una ko kaagad maiisip na nakakaawa ang magtatangkang gumawa ng masama sa tao na ito . Kahit na hindi ito nakamamatay, maaari pa rin itong magdulot ng malaking pinsala maliban kung nakatutok sa mahahalagang bahagi ng katawan. Tanong ko lang tutal ang balila o brokil ay kilala bilang bahagi ng kasaysayan ng Arnis, edi maari ding maapply dito ang mga modern moves ng Arnis?

    ReplyDelete
  2. - Ang "Balila," na nagmula sa lalawigan ng Mindoro at mas karaniwang tinutukoy bilang "Brokil," sa katagalugan. Ang kapansin-pansin sa blog na ito ay ang Balila, o Brokil, ay hindi lamang isang sandata sa pagtatanggol sa sarili; maaari din itong gamitin bilang isang kasangkapan para sa iba't ibang mga bagay na maaaring dalhin sa balikat. Ito ay kahanga-hanga na ang Balila o Brokil ay may dual function. Sa panahon ngayon, kapag nakakita ako ng isang tindero na gumagamit ng Balila o Brokil sa kanilang trabaho, una ko kaagad maiisip na nakakaawa ang magtatangkang gumawa ng masama sa tao na ito . Kahit na hindi ito nakamamatay, maaari pa rin itong magdulot ng malaking pinsala maliban kung nakatutok sa mahahalagang bahagi ng katawan. Tanong ko lang tutal ang balila o brokil ay kilala bilang bahagi ng kasaysayan ng Arnis, edi maari ding maapply dito ang mga modern moves ng Arnis?

    ReplyDelete

  3. - Ang "Balila," na nagmula sa lalawigan ng Mindoro at mas karaniwang tinutukoy bilang "Brokil," sa katagalugan. Ang kapansin-pansin sa blog na ito ay ang Balila, o Brokil, ay hindi lamang isang sandata sa pagtatanggol sa sarili; maaari din itong gamitin bilang isang kasangkapan para sa iba't ibang mga bagay na maaaring dalhin sa balikat. Ito ay kahanga-hanga na ang Balila o Brokil ay may dual function. Sa panahon ngayon, kapag nakakita ako ng isang tindero na gumagamit ng Balila o Brokil sa kanilang trabaho, una ko kaagad maiisip na nakakaawa ang magtatangkang gumawa ng masama sa tao na ito . Kahit na hindi ito nakamamatay, maaari pa rin itong magdulot ng malaking pinsala maliban kung nakatutok sa mahahalagang bahagi ng katawan. Tanong ko lang tutal ang balila o brokil ay kilala bilang bahagi ng kasaysayan ng Arnis, edi maari ding maapply dito ang mga modern moves ng Arnis?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Duelo and Filipino Martial Arts

Philippine Mountaineering of 80s and 90s

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo