Arnis Mass Demonstration

 

Arnis Mass Demonstration

         

            Taong 1979 kung saan ako ay nasa Grade 5 sa isang pampublikong elementary school sa Maynila, isa sa hindi ko malilimutan na activity sa aming physical education ay ang ginawa naming mass demonstration ng arnis. 

Photo 1: PE teachers practicing and demonstrating arnis (1978)  Source: NARAPHIL webpage https://naraphil.blogspot.com/2005/12/pe-teachers-summer-arnis-training.html

Ang mass demonstration ay bahagi ng culminating activity sa elementary school noong dekada 70s at 80s, at ito ay mas kilala sa tawag na “Field Day,” kung saan ang bawat grade level ay magpapakita ng kanilang natutunan at kagalingan sa larangan ng physical education.

Ang “field day” ay nagsimula bilang gawaing military kung saan ang mga sundalo ay naghahanda at ipapakita nila ang iba’t ibang drills, ito rin ay bilang isang gawain na nagbibigay ng maraming dulot sa disiplina at character ng ga sundalo.

At ito ay ginawa sa mga paaralan. Ang field day ay hindi lamang nalilimitahan sa field mass demonstration, maaaring may mga palaro at iba pa na kung saan ang mga mag-aaral ay malilibang. Sa mga Pinoy na generation X, ang “field day” ay kasing kahulugan ng “field mass demonstration.”

 

Mga Halaga ng Mass Demonstration

Ang pagsasagawa ng mass demonstration ng mga natutunan sa physical education ay maraming mahalagang naitutulong sa mga mag-aaral, sa mga teachers, sa mga audience, sa mga magulang, sa school administrators.

Sa mga mag-aaral, ito ay isang challenge sa kanila kung paano nila ipapakita ng sabay-baya ang kanilang mga skills, kasama na rin dito ang socio-emotional development kung saan sila ay nagkakaroon ng determination na gawin ang kanilang ‘the best’, ang ‘self-confidence’ na sila ay naniniwala na kaya nilang gawin din ang nagagawa ng iba, at ang ‘team work’ kung saan maibabahagi nila ang kanilang effort upang maging maganda ang field demonstration sa kabuuan.

Photo 2 : College students in their Doble Baston Anyo

Sa mga PE teachers, ang field mass demonstration ay extension ng kanilang curriculum sa isang particular na activity sa physical education. Dito rin makikita ang resulta ng kanilang pagtuturo kung ito ay maidedemonstrate ng mag-aaral, di lamang ang skills, kundi ang disiplina. Ito rin ay isang larangan kung saan sila ay mas magiging bihasa sa organizing ng isang event.

Sa mga magulang, ang makita ang kanilang anak na kasali sa isang ‘field mass demonstration’ ay isang kasiya siya, sapagkat ang kanilang anak ay nakikita nilang kabahagi ng activity ng paaralan, gayundin na makikita nila ang kanilang anak na nagsasagawa ng skills na nakakasiya sa magulang.

Sa mga school administrators, ang ‘field day’ ay isang activity na bumubuhay sa komunidad ng paaralan kung saan ang mga teachers at mga stake holders (mag-aaral, magulang, community leaders) ay nagkakasama-sama. Bukod dito ay maipapakita kung ano ang gampanin ng institution sa buhay at pag-unlad ng community.

 

Mga Dapat Iwasan

Ang ‘field day’ ay isang kasiyasiyang activity, at ito ay dapat isinasa-alang-alang ang kakayanan ng mga mag-aaral, ng mga teachers, at ng mga magulang.

Hindi dapat maging magastos ito, maaaring gamitin lamang ang kung ano ang available na resources upang maisagawa ito. Kung mag gastusin man ay dapat ay minimal.

Ang kasanayan na ipapakita ng mga mag-aaral sa ‘field mass demonstration’ ay nararapat may kaugnayan sa kanilang natutunan sa physical education classes. Hindi dapat ipilit ang kasanayan na hindi nila natutunan.

Ang mahalaga rin ay ang ‘safety’ ng mga mag-aaral sa kanilang gagawin, at ang kaligtasan din ng mga audience ay dapat paghandaan. Gayundin ang pagbibigay ng alternative activity para sa mga mag-aaral na di makakasali dito.


Arnis Mass Demonstration

            Itong nakaraang ika-19 ng Enero 2024 ang mga teachers ng College of Sports, Physical Education, and Recreation (CSPEAR) ng Cavite State Universit(CvSU) ay nagdaos ng ‘field mass demonstration’ ng arnis. Ito ay bilang isang bahagi ng culminating activity at final examination ng mga mag-aaral sa FITT 3 (PathFit 3: Arnis), ang unang bahagi ay ang ‘inter-class escrima/arnis tournament’ na sinalihan ng ilang piling mag-aaral noong Enero 12, 2024.

Ang field mass demonstration ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ibat’t ibang colleges ng CvSU, aabot sa isang libo ang dumalo. Kanilang ipinakita ang kanilang kasanayan sa pagsasagawa ng single sinawali, double sinawali, redonda, stick twirling, at doble baston anyo.

 

Photo 3: Cavite State University students in their Arnis mass demonstration


Ang mismong sequences ng mass demonstration ay duon na rin  isinagawa, mga ilang pagsasanay ng magkakasama ang isinagawa, at matapos ang higit sa kalahating oras ng rehearsal, ay nagsagawa na ng isang final mass demonstration. Matapos maisagawa ng maayos ang kabuuang routine  o sequence ng arnis mass demonstration ay kitang-kita ang galak sa mga mag-aaral, sa kanilang mga teachers, at gayundin sa mga nagng audience noong oras na iyon.

 

 Arnis bilang Physical Education

             Ang arnis ay isang tinalagang pambansang martial art at sports ng Filipinas sang-ayon sa RA 9850. Ito ay maraming naidudulot sa mga mag-aaral, nandyan ang physical development kung saan bukod sa acquisition ng basic skills sa paggamit ng pamalo ang ilang salik ng physical fitness ay natatamo ng mga mag-aaral.

 

Photo 4: College students practicing double sinawali

Bukod dito ay nakakatulong ito sa kanilang optimum development, hindi lamang sa physical gayundin sa psycho-social development. Ang arnis ay nagtuturo din ng uri ng combative sport at self-defense sa mga mag-aaral. Sang-ayon sa pag-aaral (Anajao & Peneyra, 2018), ang arnis ay nakakatulong din sa pagiging makabansa o pagiging proud bilang Filipino, dahil ang arnis ay kumakatawan na karunungan nagsimula sa bansa.

Ang arnis ay maaaring ituro sa intermediate level ng elementary bilang isang calisthenics at implement manipulation upang madevelop ang ilang psycho-motor ng mga mag-aaral. Ito ay maaring ituro sa junior at senior high school students bilang panimulang martial art at combat sports. At maaari din bilang bahagi rin ng pag-aaral hinggil sa Philippine History at Culture sa college.


Hamon sa mga Teachers na nagtuturo ng Arnis

Bagamat may mga talagang martial artists/arnisador na PE teachers na nagtuturo ng arnis bilang activity sa physical education, mas marami din ang nagtuturo na hindi talaga martial artist o arnisador. Ito ay hamon sa mga teachers na arnisadores din, at gayundin sa kasalukuyang national sports association ng arnis sa bansa na ipagpatuloy ang training at leveling up ng mga teachers sa public schools at private schools na maituro ang arnis di lamang bilang bahagi ng calisthenics, bagkus ay bilang martial art sa mga paaralan.

                                                                     Photo 5: A college lady student performing sinawali

Ang bansang China, Japan, at Korea ay naging bahagi ang kanilang mga martial arts ng kanilang physical education program; ang mga martial artists na educationally qualified ang nagtuturo. Ito ang kaibahan sa atin, maraming arnisadores ang magaling ngunit hindi qualified bilang PE teachers at school sports coaches, maraming nagtuturo ng arnis maging PE o varsity program ang di talaga nag-aarnis.

Malaki ang magiging gampanin ng NSA sa larangan ng physical education ng arnis, di lamang sa larangan ng sports arnis. Ang pakikipagtulungan sa mga educational leaders ay mahalaga upang regular na maging bahagi ang pagtraining ng mga nabanggit upang mapanatili ang arnis di lamang bilang competitive sports bagkus ay bilang isang martial art.

Sa Cavite State University ay pilit nilang isinasama na isa sa mga option na activity ang arnis, at itinuturo ang isang martial art at efficient na sports arnis. Ang pagsasagawa ng ‘inter-class tournament’ at field mass demonstration ay mga paraan upang isakatuparan ang batas ng RA 9859, na ang arnis bilang isang pambansang martial art at sport.

 

Sanggunian:

Anajao, J. et.al. (2022). Basic of Arnis de Mano, A guide for PE Students and Teachers, ATBP

 Publishing Co. Mandaluyong City, Philippines

Anajao J. & Peneyra, R.  (2018). Arnis sa Pananaw ng Mag-aaral ng Senior High School, College of

 Human Kinetics, University of the Philippines-Diliman

Dela Cruz, J. (2019). Field Mass Demonstration Activities in College, LAP LAMBERT Academic

 Publishing


Pasasalamat:

Prof. Ronnel P. Cuachin, Dean of CSPEAR, Cavite State University

Prof. Clark L. Costa, Department Chairperson, PE & Sports Science Department, CSPEAR, Cavite State University

Prof. Erlinda Eustaquio, Department Chairperson, Service Physical Education Department, CSPEAR, Cavite State University

CSPEAR Faculty members who taught and organized the 2024 Arnis Mass Demonstration:

              Mr. Allan C. Guanlao

              Mr. Jerard Noel M. Martine

              Mr. Karlo Guinsisana

              Ms. Danna Kristalene Orpiana

              Ms. Namae Balani

              Ms. Sharlyn L. Cristobal

              Mr. John Lemuel Limoico

              Mr. Kevin D. Cabacang

              Mr. John Jemuel Limoico

              Mr. Rhy Dogelio

 

Isinulat ni Joel D. Anajao

Indang Cavite

Enero 21, 2024


Link to watch the video of the 2024 CvSU Arnis Mass Demonstration: https://youtu.be/K8BcDCngvNs 
Link to watch the video of the Doble Baston Anyo: https://youtu.be/cf8YoPbN_hM 

Comments

  1. BPED 2-1(202304972)

    ang pagkakaroon ng Arnis mass
    demonstrations ay isang mahalagang hakbang para mapanatili ang sining ng Arnis, ipagmalaki ang kulturang Pilipino, at mahikayat ang mas maraming tao na mag-aral at magpraktis ng sining ng pagtatanggol na ito.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Duelo and Filipino Martial Arts

Philippine Mountaineering of 80s and 90s

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo