GM sa Arnis
GM, Datu, Dayang, Lakan at iba pa Noong 90s nang nagboom ang popularity ng arnis sa abroad, dumami ang tinatawag na GM o Grandmaster, hanggang ngayon mga mga self proclaimed na GM, mayroon pa nga noon na dineklara nya ang sarili nya bilang “youngest Grand Master” sa edad na higit 20 anyos lang. May mga title din tulad ng Tuhon, Grand Tuhon, Guro, Guru, at Mataw Guru. May tropa ako na taga BARMM (Bangsa Moro Autonomous Re gion in Muslim Mindanao), ang nagtataka kung bakit mga mga dayuhang practitioners ng FMA na ang tawag sa kanila ay mga Datu, eh di naman daw ito kilala sa lugar nila bilang Datu. Magandang pakinggan ang mga indigenous at masasabing pre-Hispanic titles ay nakakabit sa mga practitioners ng Filipino Martial Arts. Bakit nga ba raw nagkaroon ng mga ganitong titulo sa kanila? Ito ba ay culturally appropriate? Ang essay na ito ay isang paglilimi sa paksang ito. Simula ...