Philippine Mountaineering of 80s and 90s

 

Mountaineering ng 80s at 90s

 

Antok na ako need ko pa mag-upload ng grades ng mga students, pero parang mas motivated akong magsulat ng isang essay at reflection about sa mountaineering. Ito ay batay lamang sa aking karanasan, observation, at mga naibahagi ng mga kaibigang mountaineers mula sa iba’t ibang group, ang mountaineering noong dakada 80s at 90s.

                                                                                 Mt. Pulag with crowded mountaineers

Ito ang mga common scene sa Philippine mountaineering ngayon: overcrowded sa peak, may pila kung puede na umaakyat mula sa barangay hall or sa DENR (Department of Environment and Natural Resources) station; required ang porter, may entrance fee sa bawat barangay na dadaanan mo papunta sa bundok, sometimes need ng online booking, mahal na pamasahe, bawal ang back door climb, may mga joiners na wala talagang knowledge sa mountaineering na kadalasan nagiging sagabal sa akyat ng iba dahil hindi physically fit o kaya’y may lula pala sa mataas na lugar, at marami pang iba.

                                                          Enjoying the climb without crowded mountaineers

Anyway, anuma’t maeenjoy din naman nila ang kanilang ‘nature trip.’ Naalala ko lang ang buhay mountaneers noong dekada 80 at 90, ito ang masasabi kong ‘Golden Age’ ng mountaineering, bakit kamo, yun mga nabanggit ko sa itaas ay walang ganyan, mas maganda ang bundok at kagubatan, mura pa ang pamahase, ito rin ang panahon na nagkaroon ng mga organized mountaineering group sa mga universities at private companies, ang Philippine Mountaineers Federation ay nabuo, hanggang sa nagkaroon ng official record na mga Filipinong nakaakyat sa Mt. Everest noong early years ng 21st century.

                                                A sweet young mountaineer, she inherited mountaineering from her father

Kagandahan ngayon may mga online shop na na mabibili ang mga de clase na gamit sa mountaineering, di tulad noon kung may kamag anak ka sa abroad makakapabili ka ng magagandang gears and equipment. Iba talaga ang good and not good part ng bawat period ng mountaineering. Ang mountaineering ay bahagi na ng physical education sa senior high school at college, isa itong optional activity na kabilang sa Outdoor and Adventure Education para maitanim ang pagpapahalaga sa kalikasan, pero nakakayamot din makakita ng isang tao na nakaranas lang makaakyat ng burol o mababang bundok ay naging self-proclaimed mountaineering teachers na, he he, ni basic concept ng LNT (Leave no Trace) ay di alam, lalu na sa tent pitching, eh day hike lang ginawa kaya di alam magpitch ng tent. Pero malay mo sa pagiging ‘wanna be’ nya ay umunlad sa sya larangan nito.

Ang mga sumusunod ay pagbabalik-tanaw sa mga naging karanasan bilang isang mountaineer mula 1984 hanggang sa ngayon.

Typical Routine

               Sa mga dekada ng 80s at 90s may mga umaakyat ng bundok o mas tinatawag na ‘mountain climbing’ na natipong natripan lang umakyat ng magkakaibigan dahil malapit sa kanila o kaya’y ay may isa sa kanila ang nakaakyat na siyang nagyakag ng akyatan. Mayroon din mga organizadong grupo na talagang legit na mountaineer group gaya ng ‘UP Mountaineers’ at iba pa.

Karaniwang organized ang mga nasa private company gaya ng Ayala Co., P&G Mountaineering Group, at gayundin sa mga ilang Universidad sa Manila.

Ang tipikal na routine ay ang mga sumusunod:

1.       Climb proposal

2.       Pre-climb meeting

3.       Meeting sa assembly point

4.       Actual Climb

5.       Post climb meeting

Ang climb proposal ay tipikal na isinasagawa kung may naidentify na safe akyatin o kaya’t depende sa nakatakdang climb activities sa calendar ng grupo. Ang mga organized group ay may requirement sa mga sasama, una ay ang membership at requirement nito gaya ng physical fitness test, fitness regime; may required na kilometer ng run at minor climb bago ang isang kasapi at isama sa major climb. Mahigpit ang requirement na dapat ang bawat newbies ay dumaan sa BMC or Basic Mountaineering Course.

P&G Mountaineers cerca 90s at Mt. Natib

            Ang pre-climb meeting naman ay isinasagawa sa pagpupulong sa isang lugar or convenience restaurant. Dito ay tinatalakay ang layunin ng climb at ang nature ng climb, kasama dito ang meal planning, budgeting, mga gears na dapat gawin, at tasking ng bawat isa kung sino ang lead man, secretary, medic, scout, scribe, sweeper, at iba pa. Dito rin pinafinalize kung saan bus station at anong oras magkikita kita.

Ang actual climb kadalasan ay nagsisimula sa pag-arrive sa area, typical na madaling araw o gabi ang simula ng climb. Ang bawat grupo ay may kanya kanyang Sistema ng pag-akyat, kung gaano dapat ang pacing sa isang geographical-topographical nature ng lugar. Ang bawat saglit at talagang inaappreciate.

Ang mountaineering noon ay di kumpleto kapag walang overnight camping, ang mga minor climb kahit mababa gaya ng Mt. Makulot ay talagang kailangan mag-overnight camping, di kasi kumpleto ang akyat pagwala nito. Ang mga day hike na uwian ay parang fitness training para sa isang major climb.

Ang post climb meet ay itinatakda right after makauwi ang grupo sa syudad, sa post climb meet nagsasagawa ng assessment at evaluation kung natamo ba ang itinakdang obejectives ng climb, kasama na dito ang mga lesson learned, sharing ng mga karanasan, tawanan, sharing ng mga pictures (wala pa kasi smart phone noon kaya puro developed pictures ang ibinabahagi), solian ng mga hiniram gamit o pera during climb.

 

Typical Life of Mountaineer

               Ang buhay ng isang mountaineer ay talagang puno ng adventure, nature experiences, at pagbisita sa mga natural, historical at cultural part ng isang lugar. Kadalasang mountaineer kahit ano ang propesyon nya ay kakikitaan sya ng mga gamit sa pang-araw-araw na may kaugnayan sa mountaineering, gawa ng mga arm band, anklet na gawa ng katutubo ay kayay simbolo ng mountaineering.

               Ang mga mountaineer ay karaniwang nature lover at protector ng nature, ang mga disiplina gaya ng di pagtatapon ng mga basura kung saan-saan ay manifestation nito, kahit balat ng candy ay ilalagay nila sa kanilang bulsa ng pantalon kung walang basurahang pagtatapunan.

 

                                        During the 80s and 90s, fresh and drinkable water sources were abundant

Hindi kumpleto ang pagiging mountaineer kung di ka nakaranas ng maulang/rainy hike, nakapitan ng ‘limatik,’ nagcamping sa basang lugar, nakasalamuha ng mga kaingeros, nakikain sa mga inaaning prutas sa bundok, nakakain ng monkey o baboy ramo na ishinare ng isang forest hunter. Nacheck point ng magkabilang armed groups, nakakain ng delicacy ng lugar na pinagclimban; nakishare ng sigarilyo sa ibang grupo habang nanginginig sa lamig, tumawid ng ilog o dagat para makapunta sa lugar o makauwi dahil inabutan ng bagyo sa gubat.

Malaki ang nagging bahagi ng pagclimb nila, lalu na sa mga regular na climbers, hanggang ngayon sila ang mga namumuno sa mga mountaineering groups o kayay ipinamana nila sa mga anak nila ang pagiging climber.


Typical Activities

              Ang mga tipikal na activities ay di lamang ang pag-ahon at paglusong ng bundok. Ang mismong official climb ay isinasabuhay ang mountaineering creed “take nothing but picture, leave nothing but footprints, kill nothing but time.”

Ang mga mountaineers ay nagsasagawa ng ‘tree planting,’ clean-up drive gaya ng ‘Bantay Banahaw’ kung saan ang mga mountaineering groups at mga volunteer mountaineers ay tumutulong sa pagguguide, first aid mission at clean-up ng lugar sa panahon at pagkatapos ng ‘pilgrimage’ ng mga religious group sa Mt. Banahaw.

                                                        Prof. Anajao facilitating the Basic Mountaineering Course

Ang mga caving, canyoneering, rock climbing, bungee jumping ay ilang cross-activities bukod sa hiking.

Mas adventure din noon kung solo climb ka na may overnight at/o kaya’y night trekking, or gagawa ng konting bush whacking para mag-explore ng ibang trail.

 

Kakaibang Pangyayari

               Sa pagsisimula pa lamang ng mountaineering na maging popular, sa mga dekada ng 80s at 90s ay maraming kakaiba o kakatwang nararanasan ang mga ilang mountaineer kung hindi man sa lahat. Dahil nga hindi pa masiado commercialize noon ang ganitong outdoor-adventure activities, ganito ang mga kakaibang pangyayari o karanasan ng ilang mountaineers noon.


Nagtataka ang mga locals

              Ang pag-akyat sa bundok noon ay napakasaya lalu na sa mga taga-National Capital Region, dahil maraming wala sa buhay at kapaligiran ng syudad ang mayroon sa mga lalawigan na may mga bundok na maaakyat. Sa mga dekada ng 80s ay halos h’sindi pa uso ang registration, ito ay kusang ginagawa ng mga concerned mountaineers, ang pagpapatala ng mga pangalan sa barangay ay isang pagrespeto sa mga pinuno ng mga locals, at bilang safety protocols para sa mga umaakyat.

Ang mga locals ay karaniwang nagtataka sa mga tagalungsod na umaakyat ng bundok, lalu na pag first time nlang nakakita ng mountaineers. “Ano baga mapapala nyo sa pag-ahon ng bundok, at kasarap ng buhay sa Maynila?!”, ito ang karaniwang tanong nila.

                                                  Rappelling, one of the adventure activities of mountaineering

May mga lugar din na nagtataka sila sa mga mountaineers sa pag-akyat ng bundok dahil hindi naman sila kaingeros, hunters, sundalo o ‘pogi’ para manirahan kahit saglit sa gubat-bundok. May mga lugar din na protective sila dahil may ‘sacred’ na lugar duon.

Pakikipagbarter

               May mga lugar na ang mga locals gayundin ang mga ‘indigenous people’ ay makikipagbarter o palitan ng produkto na wala sa lugar nila, gaya ng sardinas at iba pang de lata, kaagad nila itong papalitan ng mga prutas, hayop gaya ng manok o nahuling bayawak. May mga katutubo rin na pakakaingatan nila ang de latang sardinas, di lamang kakainin, bagkus ay gagawing isang uri ng pabango.


Check Point

              Dahil nga di pa gaano kauso ang mountaineering, may lugar na magandang puntahan at akyatin pero may local or pocket armed conflicts. May panahon na mahigpit na pinagbabawal ang climbing dahil may  military operation; may panahon na ang check point area ay sundalo ng pamahalaan ang magchechek point, at sa gabi mismo sa lugar na yaon ay ‘pogi’ naman ang mag chechek point.

Minsan ay maaarbor ang mga dala mong bigas, de lata, at gamot ng sinuman sa dalawang panig. Pareho naman magalang sila sa paghingi ng dala mo.

 

Mga hiwaga

               Mayroon din mga hindi maipaliwanag na pangyayari na naranasan ng ilang mountaineers, gaya ng may sinapian, ‘na-aswang”, nan uno sa punso, pinaglaruan ng tikbalang dahil paikot ikot sa iisang lugar kahit may compass at mapa. May mga lugar na kailangan mo muna sumunod sa religious routine nila bago ka talagang payagan sa pagpunta sa bundok ‘nila.’

 

Panghuli

 

              Ito ay ilan lamang na napakaraming karanasan ng nagsulat na naging mountaineer simula noong 1984 at aktibong hanggang 2015.  Natural mas maganda ang kanilang karanasan kumpara sa kasalukuyan, pero ang karansan ay ‘relative.’ Ang bawat tao ay may kanya kanyang karanasan at perception sa nangyari sa kanya.

 

 
                                                        Cavite State University students in their mountaineering classes

Maaring ang kasalukuyang mountaineering ay mas maganda para sa bagong generation, ang mahalaga ay napapanatili ang kaayusan, kalinisan ng nature at safe ang mga umaakayat.

 

 

Joel Anajao

02/3/24

Laguna sa paanan ng Mt. Makiling



Pasasalamat sa mga hiniraman ng photos:

P&G Mountaineering Club

UP Mountaineering Club

CSPEAR Documents and Photos

Comments

  1. Nice read. Hindi maikakaila na ang ganitong gawain ay malaki ang tulong sa atin pisikal at mental na kalusugan. Kasabay ng pagdami ng mga naeengganyo sa pag-akyat ng bundok, nawa ay dumami din ang nagmamalasakit sa kalikasan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang laki den ng tulong ng pag mountaineering, specially sa mental ng tao, isa den to sa way para makapag relax makalayo sa problema bukod dun, Mas marami pang matutunan, maliban dun is malaki den ang tulong o ambag nito sa ating kalikasan, basta sa mabubuting gawa gagamitin

      Delete
    2. gusto ko rin maranasan yan kahit delikado at mahirap kailangan din ng body naten para mas tumibay at lumaki ang muscle.

      Delete
    3. need ng body muscles naten ang ganyan na activity ng sa ganon mas lumakas at tumibay ang katawan naten kahit gano pa kahirap at delikado. -DIOWILBEN P. CALABRIA S-1

      Delete
    4. "Ang pag-akyat sa bundok ay hindi lamang isang adventure, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan. Sa bawat hakbang, binibigyan natin ng halaga ang kalikasan at ang kagandahan ng ating kapaligiran. Patuloy nating ipagdiwang ang bawat tagumpay sa tuktok, at patuloy na maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon."

      Sess110 S14.

      Delete
    5. CALABRIA, DIOWILBEN P.
      S4

      Delete
    6. Penales, Francis Dominic G. SESS 110 S19 Ang mga taong ito ng pag-akyat sa bundok ay may malaking bahagi sa kasaysayan ng pamumundok, at ang kanilang mga kontribusyon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga henerasyon ng mga umaakyat ngayon.

      Delete
    7. Malaki den ang tulong ng mountaineering, specially sa generation naten ngayon, best way den sya para makapag relax Mentally, isa pa dito para makita den naten ang kahalagahan ng kalikasan sateng mga tao kaya dapat naten tong alagaan, syempre malaki den tulong ng mountaineering, para mas maging independent tayo bipang isanh individual
      Michael Angelo Muzende
      SESS110 S15

      Delete
  2. Nawa'y mas pangalagaan pa natin at mas magkaroon ng malasakit sa kalikasan upang mapanatili itong maganda at masagana nang mas dumami pa ang maging interesado sa pag-akyat ng bundok.

    ReplyDelete
  3. Naway sa pangalagaan pa natin ang ating kalikasan upang mapanatili itong masagana at maganda, nang mas dumami pa ang maging interesado sa mountaineering.

    ReplyDelete
  4. Gusto ko rin maexperience ang pag akyat sa bundok, sa aking pagbabasa talagang ramdam ko na agad na masaya at marami akong matututunan sa pag akat sa budok, tulad pag appreciate sa magandang tanawin kapag nasa tuktok na at pagtutulungan ng bawat climbers.

    ReplyDelete
  5. Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa aking kaibigaan,at pamilya

    ReplyDelete
  6. Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa ajing kaibigaan,at pamilya

    ReplyDelete
  7. Ang panahon ng mountaineering sa Pilipinas noong dekada 80 at 90 ay napaka-pagpapala. Maraming mga grupo at indibidwal ang nagtutulungan upang suriin ang mga bundok, at ang pagiging "outdoorsy" ay naging isang popular na aktibidad sa panahong iyon. Talagang nakakainspire ang pagpapakatatag at pagtutulungan ng mga mountaineers noong mga panahong iyon.




    ReplyDelete
  8. Carilla, Jaycel N.March 6, 2024 at 3:18 PM

    Ang mountaineering ay isang mahalagang aktibidad sa Pilipinas na nagbibigay-daan sa mga taong gustong magtungo sa mga bundok upang masiyahan sa kagandahan ng kalikasan at matuklasan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga hamon ng bundok. Sa pamamagitan ng mountaineering, natututunan ng mga tao ang kahalagahan ng pagtitiyaga, disiplina, at pagkakaisa habang sumasalungat sa mga pagsubok na dala ng kalikasan. Sa bawat pag-akyat, nagiging bahagi rin sila ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapalakas ng kamalayan sa kahalagahan ng mga likas-yaman ng bansa.

    ReplyDelete
  9. Bilang isa na din sa mga nakaexperience ng pag akyat ay masasabi ko na kung papipiliin ako mas gusto ko nung makaluma dahil dun mas mararamdaman mo talagang naakyat ka ng bundok dahil wala kang ibang kasabay kayo at kayo lang talaga maiikot niyo ang buong bundok ng kayo lang o dahil lang sa map na dala niyo maganda din ang makaranas ng ganyan dahil madami kang magiging kaibigan at magkakaroon ka ng oeace of mind.

    ReplyDelete
  10. In the Philippine mountaineering scene of the 80s and 90s, there was a growing interest in outdoor adventure activities, with more people joining hiking and climbing expeditions. However, there were fewer established trails and facilities compared to today, so adventurers had to rely more on their navigational skills and resourcefulness.

    ReplyDelete
  11. Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa ajing kaibigaan,at pamilya.

    ReplyDelete
  12. napaka gandang gawain ito malaki ang maitutulung nito sa ating kalusugan upang lumakas pa lalo pati ang ating isipan

    ReplyDelete
  13. Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa ajing kaibigaan,at pamilya

    ReplyDelete
  14. For me this experience po e, sobrang marami po ang matutunan at matutuklasan dilang po sa pagakyat ng bundok kundi rin pano mo mailalabas ang skills na meron ka para maging advantage mo sa mga ibat ibang adventure na gagawin. yun lang po.
    BSESS SM 2-1
    202013229 LAURO, KENNETH

    ReplyDelete
  15. SOPHIA MAE VILLANUEVA SESS110 S1


    Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa ajing kaibigaan,at pamilya.

    ReplyDelete
  16. Tunay na nakaeenganyo ang mga kwento ng mga umaakyat sa bundok, nagiging interesado ako. Kaya sana ay mas panatilihin pa nating maganda at masagana ang ating kalikasan upang mas dumami pa ang maging interesado sa mountaineering.

    SESS 110
    Student no. 202200748
    Alphabetical list: 2

    ReplyDelete
  17. Done sir, dahil po sa essay & reflection na ginawa nyo nagkaroon po ako ng idea kung ano pong meron at kung ano ang mga ginagawa ng isang "mountaineers"

    ReplyDelete
  18. tunay po na maraming tulong sa ating kalusugan ang pag akyat sa mga bundok at sa panahon natin ngayon ay mas lalo pa pang dumadami ang gustong ma experience ang pag akyak sa mga bundok para makita ang magandang kalikasan.SESS 110 S19

    ReplyDelete
  19. Interesting!! and Gusto ko ma try maging isang mountaineer someday, Katulad kong isang Nature lover, Malaking help ito physically and Emotionally sa akin, bukod na nag eenjoy ka is napapaganda nya rinbyung pakiramdam mo and also nakaka tulong ka sa Kalikasan, Someday magagawa ko rin ito!

    BSESS 2-1 SM
    SESS 110

    ReplyDelete
  20. interesting!! and Gusto ko ma try maging isang mountaineer someday, Katulad kong isang Nature lover, Malaking help ito physically and Emotionally sa akin, bukod na nag eenjoy ka is napapaganda nya rin yung pakiramdam mo and also nakaka tulong ka sa Kalikasan, Someday magagawa ko rin ito!

    BSESS 2-1 SM
    SESS 110 S11

    ReplyDelete
  21. Robles, Jared Zachary - BSESS SM2-1March 8, 2024 at 7:01 AM

    Marami talagang matututunan pagdating sa pag-akyat sa bundok at hindi lang kaalaman pati na rin yung pangangatawan natin is mas lalakas, maganda rin itong uri ng exercise para saatin. At masaya rin lalo na kung madami kayong magkakasama talagang nakakawala ng pagod.

    SESS 110 S23.

    ReplyDelete
  22. tunay po na maraming naitutulong sa ating kalusugan ang pag akyat sa mga bundok at sa panahon ngayon mas lalo pang dumadami ang naeenganyong umakyat at maexperience ang kasiyahang dulot ng kalikasan at mga sariwang hangin SESS 110 S20

    ReplyDelete
  23. interesting!! and Gusto ko ma try maging isang mountaineer someday, Katulad kong isang Nature lover, Malaking help ito physically and Emotionally sa akin, bukod na nag eenjoy ka is napapaganda nya rinbyung pakiramdam mo and also nakaka tulong ka sa Kalikasan, Someday magagawa ko rin ito!

    JHAN GUINOCOR
    BSESS 2-1 SM
    SESS 110
    202204324(11)

    ReplyDelete

  24. Sophia mae Villanueva
    SESS100 S29


    Mahalagang malaman ng bawat estudyante at masubukan ang tunay na ganda at purpose na topic na ito,Hinde lamang pang sarili kundi para nadin sa ating kalikasan mas mapapahalagahan at maapriciate ng bawat isa kung ano nga ba ang ang tunay na ganda ng pagbisita at pagakyat sa mga bundok.Mahalaga din na subukan natin ito dahil natutulungan nito ang ating mga isip at pati narin ang kalusugan natin kaya mairerrcomenda ko tong gawain na ito.hinde lamang para sa aking sarili kundi para narin sa ajing kaibigaan,at pamilya.

    ReplyDelete
  25. Carilla, Jaycel N.March 8, 2024 at 7:04 AM

    Carilla, Jaycel N.
    SESS 110
    Student no. : 202204533
    Alphabetical list: 05

    Ang mountaineering ay isang mahalagang aktibidad sa Pilipinas na nagbibigay-daan sa mga taong gustong magtungo sa mga bundok upang masiyahan sa kagandahan ng kalikasan at matuklasan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga hamon ng bundok. Sa pamamagitan ng mountaineering, natututunan ng mga tao ang kahalagahan ng pagtitiyaga, disiplina, at pagkakaisa habang sumasalungat sa mga pagsubok na dala ng kalikasan. Sa bawat pag-akyat, nagiging bahagi rin sila ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapalakas ng kamalayan sa kahalagahan ng mga likas-yaman ng bansa.

    ReplyDelete
  26. Hindi maitatanggi na ang ganitong gawain ay napatunayang may maraming benepisyo sa kalusugan, mula sa pisikal na ehersisyo na nakukuha kapag nasa trail, hanggang sa emotional o mental relief na nagmumula sa kalikasan. Malaki ang respeto ko sa mga taong tinitiis ang overcrowded na pila papuntang itaas ng bundok dahil nagagawa nila ito tiisin para sa kanilang passion. Samantala, kabilang sa iba pang benepisyo nito ang pagpapabawas ng timbang, mas maayos na pagso-socialize pinapakalma ang pagkabalisa, mas mababang panganib ng depresyon. Pagkakaroon ng malakas na buto at muscles, at pagpapabuti ng sense of balance at kalusugan ng puso.
    SESS 110 S10

    ReplyDelete
  27. Malaki den ang tulong ng mountaineering, specially sa generation ngayon, kasi syempre isa to sa makakapag bigay ng peace of mind sa ating mga tao, lalo na sa mental naten na kalasugan, syempre maliban dun, marami tayong matutunan bilang isang tao, kung pano maging isang independent or, matutunan kung pano mahalin ang ating mga kalikasan,
    SESS 110 S2🫶

    ReplyDelete
  28. Isaiah O. Nanquilada
    SESS 110 S1

    Malaki nga ang pagkakaiba ng paraan ng pag akyat sa bundok sa ngayon kumpara noon, dahil sa panahon ngayon madali pa ang kailangan gawin para pamang makaakyat sa bundok, kailangan pang pumila ng pagka haba haba, Pero sa pag bili ng mga kagamitan sa pag akyat sa bundok mas napapadali na sa ngayon dahil pwede na makabili online. Tunay nga na nakaka engganyo na umakyat ng bundok dahil may mga bagay ka na mararanasan na kahit kailan ay hindi mopa nararanasan, at makikita mo din ang tunay na kagandagan ng ating kalikasan, kaya ngayon mas tulungan pa nating pagandahin ang ating kapaliguran para hindi maubos ang mga magagandang tanawin.

    ReplyDelete
  29. Gusto ko rin maexperience ang pag akyat sa bundok, sa aking pagbabasa talagang ramdam ko na agad na masaya at marami akong matututunan sa pag akyat sa bundok tulad pag appreciate sa magandang tanawin kapag nasa tuktok na at pagtutulungan ng bawat climbers.
    SESS 110, S12

    ReplyDelete
  30. SESS 110 (S1)

    BOLOR, KIEL JAPPHETH L
    BSESS 2SM2-1

    ReplyDelete
  31. Malaki ang naging dulot o naging tulong nito dahil madami ang gustong sumali o makilahok sa gawaing ito dahil ito ay nakabiti sa ating sarili o sa kabundokan nawa ay ito ay maipag patuloy upang madami pa ang makasama dito at makaranas nito. SESS 110 S30

    ReplyDelete
  32. Malaki ang naging dulot o naging tulong nito dahil madami ang gustong sumali o makilahok sa gawaing ito dahil ito ay nakabiti sa ating sarili o sa kabundokan nawa ay ito ay maipag patuloy upang madami pa ang makasama dito at makaranas nito. SESS 110 S30

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

To Hit and Not to be Hit

Balila: Weapon of self-defense (English Version)