Arnis at Centurion

 


Arnis at Centurion


Ayan na ang mga Judio! Sambit ng mga batang nag-aabang sa pagdating ng ilang mga kalalakihan na nakasuot ng armor ng mga sundalong Romano. Ang mga ito ay may kanya-kanyang kasuotang mistulang segmentata, sandalyas na yari sa balat, maskara ng isang nanggagalit na mukha, at “morion” ng Roman soldiers; may dala-dalang replica ng gladius (sword), kasabay sa kanilang paglalakad ang kalansing ng mga “round bells” na nakakabit sa kanilang mga balat na sandalyas.

Sila ang mga tinatawag na “centurion,” sa lalawigan ng Paete Laguna. Karaniwan silang makikita sa panahon ng Semana Santa; sila yaong gumaganap na sundalong Romano sa panahon ng pagpapako kay Jesu Cristo.

                                                       Dalawang Centurion nagtatagisan ng kanilang karunungan sa arnis

Hindi lamang sa pagganap sa mga gawaing senakulo, kasama dito ang kanilang mga demonstration ng arnis o escrima na kakaiba ang galaw. Mayroong mga labanan at hamunan ng mga centurion upang ipakita nila ang kanilang galing sa paggamit ng mga karunungan sa arnis.

Ito ay ilan lamang sa makikita sa mayamang kultura ng Paete, maliban sa mga ‘wooden carves,’ magandang tanawin, historical na mga infrastructure gaya ng simbahan at mga tahanan, mga mang-aanting, prusisyon, mga deboto.

Ang essay na ito, ay isang maikling pagsasalawaran at pagninilay hinggil sa uri ng arnis o escrima sa lalawigang nabanggit.

 

Senakulo

               Ang senakulo ay isang staged re-enactment ng pasyon at kamatayan ni Jesus sang-ayon sa paniniwala ng Romano Catholico. Ito ay isinasagawa sa tuwing panahon ng Semana Santa o ‘Holy Week’. Ito ay galing sa salitang Espanyol na nagtutukoy sa lugar kung saan si Jesus kasama ang kanyang mga apostoles ay nagsagawa ng huling hapunan o ‘Last Suffer’ bago siya dakpin ng mga umuusig sa kanya na mga pinuno ng Judea.

Ito ay mula sa tradisyon Katoliko ng mga Kastila na tinanggap at original na nabuo ng mga katutubo na ngayon ay tinatawag na mga Filipino; nagsimula itong isagawa ng mga siglo ng 1700s mula sa isinulat na Christian-poetry ni Padre Gaspar Aquino de Belen ng Rosario Batangas hinggil sa naging buhay, ministro, at kamatayan ni Jesus. 

Isang tagpo ng Senakulo sa Paete

Karaniwang itong isinasagawa mula Holy Wednesday hanggang Holy Friday sa maraming lalawigan ng mga Tagalog at Pampangga, isinasadula sa gitna ng poblaciĆ³n o malapit sa simbahan.

 

Centurion at Hudyo

              Sa karaniwang mga Filipinong katoliko, lalu na sa mga lumang henerasyon, ang mga Romanong dumakip, nagpahirap, nagpako kay Jesus ay tintawag na Judio or Hudyo. Kaya tipikal sa mga lumang katawagan sa mga masasamang gawain o masamang tao ay ‘Hudyo’ ang tawag.

Kakatwa, dahil mismo ang salitang Hudyo ay tunay na tumutukoy sa mga Jews o mga Israelita, ngunit sa ganitong konsteksto ang salitang Hudyo ay mga Romanong sundalo.

 

Dalawang Centurion kasama ni Sir Allan Guanlao

Ang Centurion ay tumutukoy sa mga sundalo o mga sundalong Romano na may ranggo. Sa tunay na pakahulugan, ang centurion ay ang ‘centuria’ na isang military commander ng ‘centuri’ o 100 na sundalong Romano noon.

Sa isang senakulo ang mga Hudyo o centurion ay gumaganap na silang mga dumakip, nagpahirap, at nagpako sa krus sang-ayon sa pag-uutos ng mga pinuno at saserdote ng Israel at sa paghuhugas kamay ni Pontius Pilatus. Kaya’t sa isang senaculo tipikal na ang costume nila ay mga pananamit o baluti ng isang Roman soldier, kanya-kanyang estilo ng baluti sang-ayon sa available na materyales at pagkaunawa ng mga magdedesenyo ng armour maging ito ay lorica hamata (mail coat), lorica squamata (scale armor), o lorica segmentata (plate armor). Mas kapansin-pansin ang suot nilang helmet o morion, at maskara; kaya’t sa ibang lugar sila ay tinatawag na moriones gaya ng sa probinsya ng Mariduque.

 

Senakulo sa Paete

               Sa Paete Laguna, ang senakulo ay may kakaibang katangian, hindi lamang hinggil sa pasyon ni Jesus, kasama ng senakulo ang labanan ng mga centurion gamit ang karunungan sa arnis. Kaya’t bahagi ng activities tuwing Holy Week sa Paete ay ang labanan ng mga centurion.

Ang labanan na ito ay continuation ng naging kaguluhan sa pagitan ng mga centurion na nagsugal kung sino ang mag-mamay-ari sa balabal ni Jesus na nakapako.

Maraming naging demonstration ng paglalabanan ng mga centurion; may mga tipikal na demonstration lamang kung paano isagawa ang paglalaban gamit ang karunungan nila sa arnis, mayroon din na controlled-gentleman’s sparring gamit ang uway o yantok bilang kapalit ng espada sa pakikipaglaban. Mayroong mahinay at mayroon ding mas masakit na paluan, pero ito’y sang-ayon sa napagkasunduan ng mga centurion na maglalaban, malaking tulong din ang mga tumatayong referee na centurion upang maiwasan ang pikunan at marahas na paluan.

Ang mga karaniwang gumanap na mga centurion o Hudyo sa senakulo ay sila rin mga centurion na maglalaban-laban sa huling araw ng senakulo. Sa panood nito may mga kahanga-hangang galaw, techniques, at tactics ang bawat centurion kung paano umatake o mag-counter sa kalaban. 

Dalawang kabataang centurion sa kanilang labanan

Ang kanilang galaw ay isang uri ng largo mano o long range sparring, na kakikitaan ng magandang reaction-time, good decision-making kung paano aatake o magdedepensa; kung paano nila magagamit ang karunungan sa sukatan o ‘measurement.’

Ang labanan na ito ay may one-vs-one, 3 vs 1, at digmaang centurion o labu-labo na kung saan ang bawat isa ay magkakalaban.

Ang senakulo at mga lababan ng mga centurion ay ginaganap sa pangunguna ng The Centurion Original, isang grupo ng mga taga Paete na dedikado sa pagsasagawa ng senakulo at labanang centurion bilang tradisyong ng Paete. Sila ay nagpapatuloy ng ganitong tradisyon na minana pa nilasa mga naunang henerasyon ng mga taga Paete. Si Maestro Arvin Paygane ang kasalukuyang pangulo ng samahan.

 

Tangkilikin ang Arnis at Centurion ng Paete 

Ang arnis sa Paete ay masasabing isang classical arnis, sapagkat ang kanilang mga galaw ay minana pa nila sa mga karunungan ng mga naunang mga centurion at active sa pagsesenakulo sa kanilang bayan. Ang mga galaw o moves ay practical, effective at tunay na masasabing local martial art tradition. 

Dalawang maestro sa kanilang tagisan ng arnis

May mga bisita na talagang nag-aabang upang panoorin ito, mga audiences mula mismo sa Paete, mula sa karatig bayan, mula sa Kamaynilaan, mga foreigners, at mga arnisador mula sa iba’t ibang lugar.  Bilang isang afficionado ng arnis o escrima, ang pagbisita at panood nito ay hindi lamang bilang entertainment, bagkus ay isang pagsuporta sa preservation, promotion, and development ng arnis sa Paete. Kaya’t halina’t paghandaan sa susunod na taon ang makapanood nito.

 

Sanggunian:

 Anajao, Joel (2023). Arnis Paete: A Sense of Historical, Cultural, and Martial Tradition.

Swordman’s Journey  https://joelanajao.blogspot.com/2023/11/paete-arnis.html 

Donoso, J. (2009). The Hispanic Moros y Cristianos and The Philippines Komedya, Philippine

Humanities Review, Vol. 11-12, 2009-2010, ISSN-0031-7802,   https://rua.ua.es/dspace/bitstream/10045/42229/1/2010_Donoso_PHR.pdf

Hernandez, T.C. (1976). The Emergence of Modern Drama in the Philippines (1898-1912),

 Philippine Studies Working Paper No. I Asian Studies Program, University of Hawaii

 June 1976, https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/server/api/core/bitstreams/532ef3d2-6226-4890-ae56-bdbf5a0aed35/content

Javellana, R.B. (1984). The Sources of Gaspar Aquino de Belen’s Pasyon, Philippine Studies

 Vol.32. No 3 (3rd Quarter 1984) pp. 305-321, Ateneo de Manila, Philippines

“Naquem” (2011). Cenakulo 2010 from the Centurion Original of Paete Laguna.

Naquem, a sense of understanding, http://naquem.blogspot.com/2011/04/cenakulo-2010-from-centurion-original.html

 

Pasasalamat:

 Sa mga maestro at mga kaibigan sa Paete na tumulong at tumanggap sa aming ng ilang araw na paglalagi sa Paete Laguna.

 

                             Gran Maestro Doy Baldemor

                             Maestro Arvin Paygane

                             Maestro Anthony "Tony" Pagalanan

                             Maestro Rene "Kulot" Delos Reyes

                             Maestro Cesar "Papay" Cadang

                            Sa mga pinuno ng The Centurion Original at sa mga hindi nabanggit na

     maestro, centurion, arnisador.

 

 

Mga bumisita:  Cavite State University Arnis Research Team

 

                             Prof. Ronnel Cuachin

                             Prof. Joel Anajao

                            Sir Allan C. Guanlao

                             Sir Amiel Cortez

                             Sir JEM Samala

                            

 

Isinulat: Marso 29, 2024   Paete Laguna

 


Comments

  1. Pugay at pasasalamat po s mainit n pagtanggap s amin mula s Cavite State University Main Campus- Isang napakalaking karangalan po n maexperience ang tradisyon n pinagmamalaki ng Bayan ng Paete Laguna. Hanggang s susunod po n pagkikita s inyong kapistahan. Lubos n humahanga at gumagalang- Ginoong Ronnel P Cuachin.

    ReplyDelete
  2. Una ay pasalamat sa Panginoon sa pag bibigay Ng lakas Ng katawan at talas Ng isipan sa panahon Ng pag pasyal Namin sa Paete Laguna upang makalakap Ng mga impormasyon na kailngan sa aming research. Salmat din Panginoon at nagkaroon kami Ng mga bagong kaibigan. Nawa sa susunod Namin na pag balik sa makasaysayang bayan Ng Paete at marami pa kami matutunan. Ang inyo pong lingkod, Amiel Cortez.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Duelo and Filipino Martial Arts

Philippine Mountaineering of 80s and 90s

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo