PUGAY SA ARNIS

 

PUGAY SA ARNIS

 

Maaga palang ng 5:00 AM naglalakad na kami ng daughter ko papunta sa isang public elementary school para sa meet up ng mga players ng iba’t ibang sports na lalahok sa 2024 Division Meet para sa Palarong Pambansa. Nang magkita kita ang mga bata particular ang mga players ng sports arnis ay nagbigay sila ng pagpupugay sa mga magulang, coaches, at kapwa atleta. “Handa sa Pagpugay……Pugay….Po!” ito ang kanilang paraan ng pagpupugay.

Nakakatuwang tignan, mga students na Grade 5 and 6, na nagsasagawa ng isang bahagi ng arnis na naging kabilang ako sa pagsasakonsepto at pagpapasimula. Ito ang ‘PUGAY’ sa arnis, na kapareho ng bow of salutation sa maraming martial arts. Pagpapakita ito ng paggalang sa mga nagturo, kasama sa pagsasanay, at maging sa kalaban sa paligsahan. Ito ay isang disiplina na mahuhubog sa pagkatao ng mga batang ito na dadalhin nilang habang buhay.



Sa lahat ng events ng sports arnis, maging ito ay labanan o combat at anyo competition, ang pugay ay ang starting at ending part ng kanilang mga performances. Paano ba nagsimula ang ‘Pugay’ sa arnis ?


Dekada 70s

         Nagsimulan akong mamulat sa arnis ng nakita ko ang mga kapatid na nagsasanay nito, ‘escrima’ ang tawag nila, naturuan daw sila ng aking tatay noon, siya kasi ay isang Visayan-Spanish Mestizo na naging guerilla noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Leyte. Wala na akong impormasyon kung saan natutunan ng tatay ko ito, pero simple lang ang galawan, at natatandaan ko na walang ‘Pugay’ na ginagawa sila, basta simula na kagad ng pagsasanay ng pamalo.

Nang ako ay isinali ng kapatid ko sa ArJuKen (Arnis-Judo-Kendo) Karate Association sa Quiapo, Maynila ay pormal akong nakapag-aral ng arnis sa pamumuno ng late GM Ernesto A. Presas, tropa kasi sya ng kapatid ko at kapitbahay naming sa Dimas Alang/Blumentritt Sta. Cruz Maynila. Duon ko natutunan ang 70s version ng Modern Arnis, pag-arnis ang training schedule, red pants at white shirt ang uniform namin, at ang ‘Pugay’ noon sa arnis ay kahawig ng sa karate yun nga laang ay may hawak ng dalawang baston. At hindi pa Pugay ang tawag kundi ‘Bow’. Ang commands ng instructor ay ‘Ready’ … ‘Bow.’ Ang arnis ay hawak lang sa harapan na nakababa at parallel sa floor. Then simula na ng practice.


Kaiba ito sa later na ‘Bow of Salute’ na nasa libro ni GM Remy A. Presas, kung saan ang pagpugay ay isinasagawa mula sa ang manlalaro ay nakatayo sa attention stance, ang mga sticks ay hawak na parallel sa floor, at susundan ng ‘Bow’ sa pamamagitan ng pagtaas ng kanang arm at ang kamay ay hawak ang isang baston, at ang kaliwan naman ay nakadikit sa kanang dibbid ang kamay na may hawak ng baston. Kung ito ay isasagawa sa isang baston, ang kanang arm at ang kamay ay hawak ang baston na nasa parallel sa floor, ang kaliwang kamay ay nakadikit sa kanang dibdib at yuyukod ang ulo.

 


Dekada 80s

         Naging popular na ang arnis hindi sa Maynila kundi sa ibang bansa, kung saan maraming Filipino masters (di pa masiado uso ang salitang GM o Grandmaster) ang nagpromote nito sa US at Europe. Dito nagkaroon ng bagong damit ang Modern Arnis at iba pang arnis group, may upper garment na, ito’y makikita na suot ng karaming contemporary styles ng arnis, hindi ito nagsimula sa Pilipinas, ito ay panasimulan sa US na naging popular sa mga arnis practitioners, karamihan ng styles ay gumawa na ng kanya kanyang version nito. Noon ay white shirt at red pants lang sa paniniwala na ganito raw ang suot ng mga Katipunero, na mali pala, kundi ng mga Pulajanes na lumaban sa mga Kastila at Amerikano noon, ito ay napalitan ng ganitong uniform na may upper garment. Maliban sa mga traditional arnis groups na wala talagang uniform. Pero later ay nagkaroon na rin sila ng version nila ng ‘Pugay.’  Dati ay pagmamano, kung saan ang student ay kukunin ang kamay ng maestro at ididikit ito sa kanyang noon, mayroon din mga grupo na wala talagang pugay.

 

 Dekada 90s

         Sa kalagitnaan ng 80s at huling bahagi nito ay nauso na ang ‘Pugay’ sa maraming grupo at styles ng arnis. Ang pagsasagawa ng ‘Pugay’ ay integral na bahagi na ng mga makabagong pagsasanay ng arnis, dahil ito ay kasama lagi sa mga competition sa dalawang uri at grupo, ang Arnis Philippines Inc. at ang Doce Pares-WEKAF. At dahil unti unti na rin tinatanggap sa mga public at private schools ang pagtuturo ng arrnis, mahalagang may pagkaorganized ang pagsasanay ika nga ay may ‘formality’ gaya ng pagtuturo halimbawa ng karatedo.

May pagkakataon din na naghahalo ang bow ng arnis at karate, dahil nga nagkakarate at nag-aarnis pag pugay ay yuyukod na may hawak ng baston at magsasabi ng ‘Ossu.’ Ha ha.


Ito’y nakapagkasuduan namin na gawing standard. Ang pagpugay ay mula sa Open Stance, papunta sa Attention Stance, kanang kamay may haway na baston o wala ay ididikit sa kaliwang dibdib,  iyuyukod ang ulo lamang, hind kasama ang katawan na parang Japanese bowing (Reiho), at magsasabi ng ‘Po,’ mula sa paraan ng mga Tagalog na pasasalita ng magalang na may kadikit laging ‘po’ at ‘opo.’

 

 Ngayon (2024)

         Ito ang paraan ng pagpugay ng mga elementary students na kanilang ginawa sa harap ng kanilang mga coaches, magulang, at katropa. Nakakatuwang tingnan, malayo na ang narating ng mga bagay na kung saan ay pinasimulan noon. Sa mga isinasagawang anyo competition ay makikita itong uri ng pagpugay, ang iba lang ay may konting modification upang maging expressive sa kanilang performance, Gayun din sa ‘Laban’ competition.

Totoo na maaaring magbago pa ito, depende sa mga magpropromote at magiging leaders ng sports arnis at mga teachers na magtuturo ng arnis sa mga paaralan. Ang essay na ito ay batay sa aking karanasan at observation, maaaring icross-reference sa mga naging kasama ko gaya ni GM Samuel ‘Bambit’ Dulay, at mga seniors ko sa Modern Arnis na sila GM Rene Tongson at GM Rodel Dagooc.

Ang mahalaga rito ay ang pagkakaroon ng identity ng ating sariling martial art at ang naituturo nito sa mga practitioners nito na magiging life skills at discipline nila.

 

 

 

Joel D. Anajao

November 26, 2024

GMA , Cavite Province

 


Comments

  1. Salamat po sa simpleng kaalaman
    Pugay po

    ReplyDelete
  2. 202304014 (BPED 2-1)

    Dahil po sa mga nabasa ko nauunawaan ko po ang kahalagahan saatin ng arnis at kung ano-anong termenolohiya ang mga ginamit bago ito tawaging “pugay.” Totoo din po ang salaysay na pwede ito mag bago depende sa mga taong mag propromote ng arnis sa mga susunod na panahon. Maraming salamat ginoo sa pag bibigay sa akin ng bagong kaalaman patungkol sa arnis.

    ReplyDelete
  3. 202304897 BPED 2-1

    Napaka importante pala ng arnis sa isang tao, dahil madami itong pwede maitulong sayo lalo na sa mga panahong mag isa ka. Sa Arnis matututo ka ng self defense, na pwede mong magamit.

    ReplyDelete
  4. 202301442 BPED 2-1

    Nakakainspire po na mabasa ang kwento ng personal na karanasan, kasaysayan, at kasalukuyang pagsasanay ng mga kabataan, na nagpapakita ng pagpapatuloy ng tradisyon at disiplina sa ating bagong henerasyon.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Duelo and Filipino Martial Arts

Philippine Mountaineering of 80s and 90s

Arnis de Mano: Laro ng mga Maginoo