Lapu-Lapu ?
Paglilimi ng Isang Walang Magawa
Sino Siya?
Sino
sya? Siya ba si Ci Lapu-Lapu, Rajah Sulayman, Sultan Kudarat. Walang nakakaalam
maliban sa nagdrawing nito kung sino ang gusto nya ipakita ayon sa kanyang
imahinasyon. Wala pa naman kasing camera noon, o kayay pintor na babayaran para
ipaint ka. O kaya ay walang sulatin kung ano ang itsura nya.
Maliban kung
paniniwalaan at gagamitin ang ilustrasyon na ito, at sa matagal na panahon ay
magiging totoo sa isipan ng mga susunod na henerasyon. Tulad ng mga larawan ni
Jesus (peace be upon him), maraming naniniwala na ganito ang itsura nya, kung
paano ang isang imahinasyon ng pintor kung paano nya inilarawan ang mukha ng
isang tao batay sa haka haka kung walang batayan. Gayundin may mga larawan na
ibinase lang sa mukha ng isang totoong tao na ipinagpalagay na ito ang itsura
ng isang taong walang larawan at nabuhay noon pang nakaraang ilang daang taon
na.
Tulad din ng mga naunang paglalarawan kung paano ang itsura ng mga dinosaurs noon, malaking kaibahan ang mga paniniwala noon batay sa isang ebidensya tulad ng fossils ng mga ito. Ang fossil ay isasalarawan ng mga nauna kung paano nila nauunawaan ang katangian nito ayon sa nasa isipan nila at mga nakikita nila sa paligid.
Ngunit dahil sa mga bagong ebidensya at mga fossils kasama ang paggamit ng makabagong sanghay ng science, maaaring napakalaking kaibahan ng magiging itsura ng dinosaurs sa mga naunang pagsasalarawan nito.
Filipino ba siya?
Sa naunang
pagsasalarawan, ang sunod na tanong ay “Siya ba ay Filipino?”
Sa mga
karaniwang Filipino ngayon ang tumpak na sagot ay “oo Filipino siya,” may
maaari din magwari na “siya ang kauna-unahang bayaning Filipino na lumaban sa
mga mananakop.”
Pero kung buhay
kaya ang taong inilalarawan, ano kaya ang kanyang isasagot? Maaring di natin
maiintindihan ang kanyang pananalita dahil tunay na iba ang paraan ng
pagsasalita nila at mismo ang mga gamit niyang pananalita noon.
Kung
magkakaintindihan man tayo at siya, baka ang itatanong nya ay “Ano ba ang
Filipino?” Dahil ang salitang Filipino ay nagsimula lang lumabas at gamitin
maaaring 200 taon na ang nakalipas sa panahon nya. At kung maiintindihan nya,
maaaring siya ay magagalit dahil sasabihin nya na “tinawag mo ako sa pangalan
ng kalaban ko!” Ha ha ha.
Ang
katotohanan sa atin ngayon ay maaaring di katotohanan sa ibang lugar at sa
ibang panahon. Anyway, who cares, lalu na sa panahon ngayon na ang tuon ng pag
iisip ay kung paano mabubuhay ng maayos. Sabi nga sa Maslow hierarchy of needs,
na ang isang level ng pangangailangan ng tao ay walang halaga hanggat di
natutugunan ang unang level nito bago sa susunod na level.
Sa pag-iisip
ng karaniwang Pinoy, ang larawan ng isang partikular na tao ayon sa naituro sa
kanya at tatanggapin na siya ay Filipino, minsan pa nga ay sasabihin siya ay
purong Pinoy. Na maaaring taliwas sa pag-iisip ng dalubhasa sa kasaysayan. Sabi
nga, kanya-kanyang trip lang yan. Sa iba ito ay okey, at sa iba bad trip ito sa
kanilang salsalang diwa.
Kaya nga ang
salitang History ay iba sa salitang Kasaysayan. Teka, siguro sa susunod na
sanaysay na ang paksang ito. Salamat po.
Joel Anajao y Daddon
12:21 pm
9/1/2022
Naisulat lang dahil walang
magawa.
hmmm Lapu-lapu mainam na pangalan na inuulit, ilan nga kaya silang may inuulit na panagalan nung 14th to 15th century? Naging unang bayani na nakapatay kay Magellan, huh teka po totoo po ba yun, ilan taon po kaya si Magellan at ilang taon na po kaya si Tata Lapu-lapu nung nagharap sila?
ReplyDeleteKatanungan na maaring sagutin siguro ng dayuhang saksi at sumulat sa pangyayari. Syempre kailangan bigyan ng dangal ang kamatayan ni bossing he he.
PS: di po ako historian, nagtatanong lang din po.
BPED 2-1 | 202302201
ReplyDeleteBPED 2-1 | 202302201
ReplyDelete